untitled
viviti

*13: SCHOOL PAPER STAFFERS*

 

 

 

Pagkatapos ng locker room incident namin ni Ruke, hindi na niya ako ulit pinansin nung sumunod na mga araw. Bumalik na naman siya sa pagiging masungit niya at walang pakialam sa mundo. Lahat ng tao, tanong ng tanong sakin kung ano daw ba ang totoong nangyari. Break na daw ba kami. Para namang naging kami talaga.

 

"Hoy bruha! Why didn’t you tell us that you and Ruke are together? You didn’t even introduce him to us personally! Is it true? The rumors I mean. Break na daw kayo agad?”

 

May pagka-chismosa talaga si Ropy kahit kailan. Umupo siya sa tabi ko.

 As usual, maaga na naman kaming pumasok. Himala nga at nandito agad ang babaeng ‘to sa classroom. Dati kasi, dun agad siya sa gym ng tennis club pumupunta.

 

“Good morning to you too, Ropy.” Umagang-umaga yung mga walang kwentang chismis ang pinambubungad niya sakin. How cool is that?

 

“Hey, masyado kang hot. Ganyan ka ba talaga kapag brokenhearted?” Nang-asar pa!

 

“First of all, I am not brokenhearted. Wala kaming relasyon ni Ruke, okay? Second of all, I’m totally annoyed… with you.” Nakakasawa na nga ang pabalik-balik na tanong kanina ng mga tao, dadagdagan niya pa.

 Tinawanan lang ako ng bruha. I rolled my eyes.

 

“Nandito ka ata agad?”

 

“Wala naman akong gagawin sa gym. Walang practice ang team ngayon. Katatapos pa lang ng regional tournament, remember? Rest day na namin ngayon.” Oo nga pala, last week kasi yung regional tournament ng tennis club. Sa katunayan, ngayon lang ulit kami nagkita ng babaeng ‘to.

 

“How did it go?” Nag-thumbs-up siya sakin. Noon ko naalala na kasali pala ang kambal na sina Eiji at Fuji sa tennis club. Nang itatanong ko na sana kung nanalo ba sa ang magkapatid sa mga laban nila, nang biglang may tumawag sakin.

 

“Harrooww!!!” Speak of the devil. Oh Eiji, kelan ka ba tatahimik?

 

“What the hell are you doing here?!” It was Ropy with both hands on her hips.

 

“Good morning, Ropy!” Kinawayan pa ni Eiji si Ropy.

 

“Anong good sa morning?” Pagsusungit ng best friend ko.

 

“Kaw naman… Sungit mo talaga kahit kelan.  Ikaw rin, baka magka-ulcer ka, sige ka.”

 

Nyeee… Ano naman ang kinalaman ng pagsusungit sa sakit na ulcer? Tatanungin ko nga si Mickey mamaya, haha! Speaking of that girl, late na siya pero wala pa rin. Kapag mag-aabsent naman siya, sinasabihan niya kami ni Ropy.

 

“Ano nga pala ang kailangan mo sakin, Eiji?” Inabot niya samin ni Ropy ang dala-dala niyang cards.

 

“What’s this?” Winagayway pa ni Ropy ang card sa mukha ni Eiji.

 

“Err.. A card?” Magkaibaigan nga sila ni Ruke. Parehong pilosopo!

 

“I know this is a card, idiot! Ang ibig kong sabihin, para sa ano naman ‘to?” Nabaliktad na yata. Si Ropy naman ang masyadong hot ngayon. Napatigil kami sa pag-uusap ng may tumunog.

 

^^Sound^^ **Attention: May we call on, all the teachers from nursery to college department to proceed immediately to the faculty room. I repeat, all teachers, from nursery to college department, please proceed immediately to the faculty room. Students, you are not allowed to loiter. Stay strictly in your classrooms until the classes resume. Thank you.** ^^Sound^^

 

Nang mawala na ang tunog, saka nagsalita ulit si Eiji.

 

“Invitation cards yan. Punta kayo, ha? Bye!” Nagmamadali na siyang umalis.

 

Umiling-iling si Ropy. “Talking about manners…” Ipagtatanggol ko pa sana si Eiji pero hindi natuloy dahil nakarinig naman kami ng ingay sa labas.

 

“Mr. Ruke Kruger, is it true that you and Harrow Kaneko are over? Your relationship with her just started two weeks ago.”

 

Hindi na namin kailangan lumabas ni Ropy dahil huminto si Ruke sa tapat ng classroom namin. Sinusundan siya ng isang babae na may dalang wireless mic, may cameraman tapos director pa! Mapansin ko din na may mga estudyante din na sumusunod, karamihan ay babae. Sumasagap yata ng chismis. Itinapat ng babaeng reporter sa bibig ni Ruke ang wireless wire.

 

“What really happened?”

 

Tanong ulit nung babae. Tahimik lang si Ruke kaya nabigla nalang kaming lahat ng bigla niyang tinabig ang wireless mic kaya nahulog. Kukunin na sana ito ng reporter girl pero tinapakan ni Ruke.

 

**Eeerrrrrnnnnnggggggkkkkkkkksassssssssssssssb**

 

Lahat kami doon napatakip ng tenga. Ang sakit talaga sa tenga ang tunog!

 

“Ruke! Stop that!” Hindi na talaga ako nakatiis. Sabay-sabay silang lahat na napatingin sa direction ko. Nawala ang sound, nang tingnan ko ang wireless mic, sira na ito. Kawawang mic…

 

“Siya ba si Harrow?” Narinig kong tanong ng isa sa mga babae dun.

 

“Candy, siya yung girlfriend ni Ruke!” Sabi naman ng cameraman kay reporter girl.

 

“Itutok mo ang camera bilis!” Inayos-ayos pa ni reporter girl ang buhok.

 

“Pero Candy, sira na ang mic.” Sabi naman ng isa niyang kasama na director ‘kuno’.

 

“Okay lang yan! Simula na tayo.” Hinarap ng cameraman ang camera sa reporter girl na ang pangalan ay Candy.

 

“Good morning everyone! As of now, nandito tayo sa harap ng classroom ni Harrow Kaneko na sinasabing girl friend ni Ruke at ngayon ay ex-girlfriend na. Let’s ask here some questions regarding of what happened.” Di ko alam kung paano magrereact. Papasok na sana silang tatlo ng tawagin sila ni Ruke.

 

“Hey, you three, come here.” Nararamdaman ko, may masamang mangyayari. Ang mga uto-uto naman, lumapit. Excited pa nga, eh.

 

Hinablot ni Ruke ang video Cam sa cameraman at binitawan. Napanganga ako! I mean, kaming lahat! Diyos ko! Ang dami-dami ng gamit ang sinisira ng lalaking to ngayong araw lang na ito. Napaluha ang tatlo. As in, umiyak!

 

“Lagot tayo nito, Candy.”

 

Nakaluhod na ang tatlo sa harap ng Video Cam. “Hindi naman tayo ang nagsira ah!” Humihikbing sabi ng director. “Siya ang dapat mag-explain!” Sabay turo kay Ruke.

 

“Oh yeah? And you think I’ll do that? Get out.” Itinuro ni Ruke ang pintuan. Patuloy lang sa pag-iyak ang tatlo. Tiningnan ni Ruke ang isa sa mga upuan sa classroom namin. Patakbo akong lumapit sa kanya.

 

“Hep, hep, hep. Wag kang magkakamali. Ang dami mo ng gamit na nasira. Umalis nalang kayo, please.” Paki-usap ko sa tatlo.

 

“Sino ka ba para sundin namin?!” Pasigaw na sabi sakin ni Candy. “Pagsabihan mo nga yang boyfriend mo! Napakasama ng ugali.” I know. Haha. Pero, di ko siya boyfriend, ilang beses ko bang uulitin yan?!

 

“Alis sabi, eh!” Sinuntok na ni Ruke ang pintuan na hindi nakaligtas. Parang magic, ah! Nawala na parang bula ang mga tao sa paligid. Tatlo nalang kaming natira doon. Ako, si Ruke, at si Ropy.

 

“Idiots!” Nilapitan ako ni Ruke at hinawakan ang kamay ko. Hinila niya ako papuntang upuan ko.

 

“Sit down.” Yes, Sir! Kung makapag-utos talaga. Umupo din siya sa tabi ko. Sa right side ko. Binitiwan niya ang kamay ko at inalis niya sa table ko. Doon niya sinandig ang ulo niya at pumikit.

 

“Hey…” Tawag ko sa kanya. Binuksan ulit niya ang mga mata. “Kanino yung sinira mong Video Cam at wireless mic.” Nakita ko kasi kanina ang takot sa mga mukha ng tatlo.

 

“School’s property.” Tinatamad na sagot niya.

 

“Again?! Una ang locker, tapos ngayon, ang mic naman at video cam! Ruke, you’re—-“

 

“Mayamaya mo na nga ko kausapin! Matutulog pa ko, eh!” Pinikit na nga niya ulit ang mga mata niya. Tiningnan ko naman si Ropy na nakatayo malapit sa pinto. Sinenyasan niya ako na aalis daw muna siya. Tinanguan ko lang siya. Tiningnan ko ulit si Ruke. I’m not sure kung natutulog na ba siya o nakapikit lang. Then, nakarinig ako ng hilik. Sabi ko nga! Kanina pa siya tulog.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 


Web Hosting · Blog · Guestbooks · Message Forums · Mailing Lists
Easiest Website Builder ever! · Build your own toolbar · Free Talking Character · Email Marketing
powered by a free webtools company bravenet.com