CHAPTER 23: SAY WHAT?!
“Earth to Dylan Lui-Hiwatari!!! Have you forgotten already? As far as I can remember, we don’t have classes during Saturdays.”
Sarcastic na sabi ko sa kanya. Pano ba naman, ang sarap-sarap na ng tulog ko kanina nang mabulabog ako ng tumunog ng pagkalakas-lakas yung doorbell at sunud-sunod pa!
And hello?! If I’m not mistaken, it’s only 5:30 in the morning. And when I looked at the sky, it seemed like the sun barely rises up because it was still dark. Geez!
Sinimangutan muna niya ako bago sinabing…
“Earth to Mickey Tao!!! Have you forgotten already?! As far as I can remember, you promised that you’ll bake me some caramel ice cream cake say….Just yesterday?!”
Nanlaki yung mga mata ko pero hindi dahil nagulat ako sa sinabi niya o nakalimutan ko yung promise chuva ko sa kanya, Ang totoo niyan, nag-e-exaggerate lang ako. DUH.
“Can’t it wait? Hello?! It’s only 5:35 in the morning. Besides, I still have to go to the grocery for the ingredients and I’m 100% sure that they’re still closed.”
Hindi niya pinansin yung sinabi ko at pumasok lang sa loob ng bahay sabay upo sa sofa. Ako naman, pinaikot ko lang yung mga mata ko tapos sinara na yung pinto.
“Well, if my calculations are correct, then I’m on the right time, believe me,”
Sabi niya bigla nung dumaan ako kaya napahinto ako at napatingin ako sa kanya.
“Dumating ako dito ng 5:30. Alam kong manenermon ka pa bago maligo. Let’s say, 6:00 ka aakyat sa taas para maligo at matatapos ka ng 8:00. What the heck are you doing in that freaking restroom, I really wonder! Anyway, magbibihis ka, isama na rin natin yung iba’t ibang kaartehan mo sa katawan. Hmmm… Mga 1 hour siguro yun. So, 9:00 ka na bababa kung saka-sakali. Pero malakas ang pakiramdam ko, makikipag-debate ka pa sakin bago umalis. Tingin ko, mga 10-15 minutes ang aabutin nun. Makakaalis tayo ditto sa bahay mo, 9:15 na at makakarating tayo dun sa mall ng isaktong 10:00. Tamang-tama lang diba? Bukas na naman siguro yun, sa tingin mo?”
Nanlaki na naman yung mga mata ko nun pero this time, dahil na yun sa napakahabang, walang katotohanang sinabi niya.
“You are just exaggerating!”
Napaka-defensive na sabi ko sa kanya. Umiling-iling siya tapos nag-pat siya sa shoulders ko.
“Believe me, I’m just telling you what reality really is.”
Tumingin siya sakin ng diretso tapos huminga ng malalim.
“But I’m really curious… What’s with women and those annoying stuff?”
Tiningnan ko rin naman siya nun tapos inayos yung magulo niyang buhok. May pakiramdam ako na umalis lang siya sa bahay niya ng hindi na nagsuklay. Hindi ko alam kung nakalimutan lang ba niya, sinadya ba niya o dahil excited lang siyang makakain ng caramel cake.
“But I’m really curious, too. What’s with men and those annoying impatient attitude?”
Sumimangot siya nun dahil sa sinabi ko tapos kumunot yung noo niya.
“I’m not impatient! You’re just too obsessed by the way you look which is not really appropriate because no matter how you try to look good, you would always remain ugly in my eyes.”
“Alam nating pareho na hindi yan totoo. Ikaw na mismo ang nagsabi sakin noon na ------------“
“Lasing lang ako nun kaya nasabi ko yun! I didn’t mean it!”
Tinawanan ko lang siya kaya ayun, mas lalo yatang napikon. Haha! Nakita ko pang mas lalo siyang namula. How cuteeeee!!!
“Alam mo Dylan, sabi nga nila, mas maganda pang kausap ang lasing kasi nagsasabi ng totoo.”
Mas lalo pa siyang namula sa sinabi ko. Kung kanina, sa cheeks lang, ngayon yata, buong mukha na. Nyahahahahahaha! And to make it more awesome, he couldn’t look straight into my eyes.
“That’s not true! I just made those up so that you would be--------“
“Umamin na siya! Umamin na siya! Wala ng bawian! Wala ng bawian!”
“Ibahin mo ako.”
Tinitigan ko siya nun tapos tinaasan ko na naman ng kilay. Sabay umiling-iling din ako nun. Tapos nagseryoso pero kunwari lang naman.
“Wala ka palang isang salita, eh.”
Natigilan siya tapos napatitig sakin kasi nga akala niya, seryoso talaga ako dahil hindi na ako nakangiti nun tapos pinilit kong mag-blank face.
“Akala ko pa naman, lalaki ka talaga.”
Pagkatapos kong sabihin yun, umalis na ako sa harapan niya tapos umakyat na para magligo at magbihis. Nakita ko pa nga siyang napatulala dun habang ako, tawa ng tawa sa kwarto ko. Ang sama koooooooooo! Nyehehehehehehe!
Hindi rin naman ako nagtagal at bumaba na agad. Nakita ko siyang nakaupo lang dun sa may sofa at nagbabasa… or I must say, just flipping the pages of my fashion magazine.
Mukha naman talagang wala siyang balak basahin yun, eh. Gusto lang yata niyang magkalat sa living room ko, eh. Hayyyy… What do you expect? Boys will always be boys.
“Dylan, nagkalat ka na naman dito. Dapat di mo na kinuha yan, di mo naman babasahin yan, eh.”
“Why are you even bothering to read this stuff? These things really suck!”
“Hay naku! Ayusin mo yan, ha!”
“Pagbalik nalang natin.”
Pinaikot ko nalang yung mga mata ko dahil ang ibig sabihin lang nun, in Dylan’s language, ako nalang ang mag-ayos ng kinalat niya.
“Oo na, oo na. Halika ka na nga sa dining room. Kain muna tayo bago umalis.”
“Ehhhh… Huwag na! Mamaya na tayo kumain! Gusto ko, magawa na agad yung caramel cake! Kahapon ka pa nag-promise nun, eh!”
“Sigurado ka?”
Skeptical na tanong ko kasi mahirap kayang pumili ng tamang ingredients. Not to tell, ang haba-haba lagi ng pila sa supermarket.
“Oo nga! Halika na kasi, bilissssss!”
Wala na akong nagawa kundi sumunod nalang sa kanya. Atat na atat naman kasi masyado ang isang ‘to. Para namang ngayon lang makakakain ng caramel cake. Ang yaman-yaman, hindi nalang bumili sa bakeshop.
Nakarating naman agad kami sa mall kasi hindi naman traffic. Nung papasok na kami sa loob ng supermarket, hinarang pa kami ng guard dahil biglang may tumunog sa loob ng bag niya. Alaka ko pa nga nun naging terrorist na si Dylan.
Nagtitinginan na nga yung mga tao samin, eh. Muntik ko ng sabihin na hindi ko siya kilala. Nagulat nalang ako nung pinakita niya sa mga guard kung ano yung nasa loob. At yung tumunog???
ALARM CLOCK lang naman po, mga kababayan! Sabi pa nga niya…
“Sabi ko sayo tama yung calculation ko, eh. 10:00 nga tayo nakarating dito sa supermarket. Bilib ka na sakin, noh?”
Tapos nun pumasok na siya sa loob ng di man lang pinansin yung mga guard dun na halatang nawindang pa rin sa nangyari. Sorry naman ako ng sorry sa kanila tapos sumunod na sa kanya. Napapaisip pa ako nun. Tell me….
Ganun ba talaga ako kabagal kumilos?!


bravenet.com