untitled
viviti



 

 

SILENCE

 

 

DEADMA

 

 

 

 

Oh well… As what Dennis said when I was asked to be their substitute teacher… ‘SILENCE MEANS YES.’

 

“Actually, meron naman talaga akong ginawang caramel bar para sayo, eh.”

 

Nakita kong gumalaw siya ng konti at tumingin sakin. Pero isang mata lang ang nakikita ko. Sa reaksyon niyang yun, alam kong indication niya yun para sabihing ipagpatuloy ko yung sasabihin ko.

 

“But unfortunately, Dennis ate all of them.”

 

Kagabi kasi, hindi ko na namalayan na naubos pala ni Dennis yung isang tray ng caramel bar na ginawa ko. Can you imagine that?! Ni hindi ko pa nga natitikman yun, eh. Pero totoo rin yung sinabi k okay Dylan na para sa kanya yun. Peace offering kumbaga na obviously, ibang tao ang nakinabang ng peace na sinasabi ko.

 

Sa sinabi kong yun, umupo siya ng maayos tapos sinigawan ba naman ako bigla.

“Bakit mo pinakita sa kanya kung para talaga sakin yun?! Alam mo namang matakaw yun, eh!”

 

Ang sama talaga ng tingin niya sakin nung mga oras nay un at may pakiramdam akong malapit na malapit na siyang magwala dun. Sabagay… Hindi pa ba siya nagwawala sa lagay na yan?

 

“Sorry po, ha? Ang alam ko kasi, matakaw lang yung kapatid mong yun. Nakalimutan kong lagyan ng SOBRA sa unahan.”

 

“Dapat kasi tinago mo nalang yung caramel bar KO, eh! Naubos tuloy!”

 

“Ang daldal-daldal naman kasi ng kapatid mo kaya ayun, para tumahimik, sinubuan ko ng pagkalaki-laking caramel bar. Effective naman pero hindi ko akalain na mauubos niya yung isang tray nun.”

 

“Ang dami mo namang------- … TEKA!!! ANONG SABI MO?!?!”

 

Ano ba naman ‘tong impaktong ‘to? Sobrang gwapo nga, bingi naman.

 

“Ang sabi ko, naubos ni Dennis yung isang tray ng caramel bar.”

 

“Hindi yun!”

 

Nalito naman ako at tinaasan siya ng kilay.

 

“Alin ba dun? Na sobrang matakaw si Dennis?”

 

Tiningnan na naman niya ako ng pagkasama-sama.

 

“Na sinubuan mo si Dennis! Ako ang fiancée  mo tapos ibang tao ang sinusubuan mo?! Hah! Ano yun?! Hindi pa nga tayo nakakasal, nangangaliwa ka na? And what’s more to make it worst, sa kapatid ko pa. Hindi ka ----------“

 

Binatukan ko nga para matigil na sa kasisigaw dun. Mukhang mag-uumpisa na naman siyang manermon ‘KUNO’ dun kaya inunahan ko na.

 

“Ang sabi ko, sinubuan ko si Dennis kasi ang daldal niya hindi dahil gusto ko siya. Halika na at male-late na tayo. Wag kang magkakamaling magsalita ulit diya at napipikon na ako, Dylan.”

 

Wala na naman siyang nagawa pa nun kasi lumabas na agad ako ng bahay kaya sumunod nalang siya. Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa makarating sa school.

Nung papasok na ako classroom ko, narinig kong nagsalita siya pero sa mahinang boses lang. Parang wala talaga siyang intensiyon na iparinig sakin yun.

 

“Pero gusto ko talagang kumain ng caramel bar…”

 

Napatingin ako sa kanya nun tapos nakita ko yung mukha niya na parang ang lungkot-lungkot kaya ayun, pumunta ako sa harapan niya tapos hinawakan ko siya sa cheeks.

 

“Gagawan naman talaga kita ulit, eh. Caramel cake pa nga yung balak kong ibigay sayo, eh.”

 

Napatingin siya sakin tapos nanlaki yung mga mata niya.

 

“PROMISE?!”

 

Natawa ako at tumango-tango.

 

“Yes!!! Pero gusto ko yung may ice cream sa loob ha?!”

 

Wow ha! Mapili?!

 

“Okay. Okay. Malakas ka sakin, eh.”

 

Sabi ko nalang kaysa naman magwala na naman siya dun. Tumakbo na agad siya nun papuntang classroom  nila na hindi man lamang nagpaalam sakin. Siguro nakalimutan na niya sa sobrang kasiyahan.

 

Papasok n asana ako nun sa classroom namin nung marinig ko naman na tinawag niya ako.

 

“And Mickey…”

 

Napatingin ako sa kanya habang hinihintay ko yung susunod niyang sasabihin.

 

“Gusto ko…”

 

Tumingin-tingin muna siya sa paligid at hinintay na mawala yung mga tao sa hallway. Nang wala na ngang natira, nginitian niya ako ng pagkatamis-tamis. Ang gwapooooooo  niya, mehhhnnnnnn!!!!

 

“Subuan mo rin ako, ha?! Bye!!!”

 

Pagkasabi nun, pumasok na agad siya sa classroom nila at sinara yung pinto samantalang ako, naiwang nakatulala dun.

 

 

 

 

 

 



 

 

 

ABA NAMAN…

 

 

 

 

 

 

 

















 

 

DEMANDING?!?


Web Hosting · Blog · Guestbooks · Message Forums · Mailing Lists
Easiest Website Builder ever! · Build your own toolbar · Free Talking Character · Email Marketing
powered by a free webtools company bravenet.com