untitled
viviti


CHAPTER 22: CARAMEL BAR SYNDROME

 


“Oh, bakit ka andito? An gaga-aga, ah!”

 

Nag-pout lang nun si Dylan sa tanong ko. Ang cute-cute nga niyang tingnan, eh. Para siyang batang inagawan ng sangkaterbang candy sa itsura niya. Yep, after the recent incident outside my house, Dylan and I are officially a couple now.

 

A happy couple to be exact and that was all thanks to Ruke. :P Ang laki talaga ng pinagbago ng bruho (as what Harrow named him) simula ng ‘MAIKASAL’ silang dalawa. Haha!

 

“Si mama kasi, eh! Ang kulit-kulit! Sabi niya sakin, dapat daw palagi tayong sabay na papasok sa school simula ngayon.”

 

Nakasimangot niyang sabi sakin. Natawa nalang ako sa kanya pero naaawa din. Pano ba naman, 4:30 palang ng medaling araw nun at halata mong inanaantok pa talaga siya.

 

“Pero sobrang aga naman ata? Tingnan mo nga, inaantok ka pa diyan.”

 

Nakasunod lang ako sa kanya habang papunta siya sa kitchen room. Yan lang naman ang target ng impaktong yan kapag nandito sa bahay ko, eh. Walang kamatayang pag-ubos ng pagkain ko.

 

“Akala mo ba hindi ko sinabi yun?”

 

Umupo siya sa upuan tapos tumingin sakin at ngumisi. Nakuuuuuuuuu….. Ako na ang nagsasabi sa inyo, ihanda niyo nalang ang armalite at may papatayin ako maya-maya lang ng konti.

 

“Sabi k okay mama, bakit ko pa susunduin si Mickey eh di naman importante yun? Buti sana kung maganda yun. Sus. Ang panget-oanget nga nun tapos sobrang arte pa!”

 

Tiningnan ko siya ng masama pero ayun, gaya ng ginagawa niya kapag inaasar ako, tumawa lang ang impakto sa harap ko. Tapos maya-maya lang ay tumayo siya at lumapit sakin. Akala ko kung ano gagawin, hinila-hila ba naman ang damit ko!

 

“Oiiii, Mickey, nagugutom ako.”

 

Ang kapal talaga ng mukha! Pagkatapos niya akong lait-laitin, hihingi sakin ng pagkain?! Kung hindi ba naman talagang impakto! Tssss….

 

“Wala akong pagkain dito. Bahala ka diyan magutom.”

 

Tinanggal ko yung kamay niya sa damit ko at lumayo sa kanya na hindi naman nangyari dahil kung saan ako pupunta, sunod siya ng sunod sakin.

 

“Ang sama mo! Dapat nga natutulog pa ako sa mga oras na ‘to, eh!”

 

Mukha ngang inaantok pa siya kasi yung mga mata niya, sumingkit tapos namumula.

 

“Bakit ba kasi pumunta ka agad? Alam mo namang 7:30 pa klase natin.”

 

“Si mama nga ang may kasalanan! Sige na kasi…Pakainin mo na ako. Gutom na gutom na ako. Pakinggan mo pa sabi ng tiyan ko… LUB DUB LUB DUB… Heard that?”

 

Magsabi nga kayo ng totoo sakin. Eto bang kausap ko ay yung tinatawag nilang genius sa school? Kung noon naniwala ako, ngayon ata may konting pagdududa na.

 

Grabe ha! Kung talagang top one si Dylan sa school namin, bakit kahit yung pagko-connect lang ng mga sound effects sa mga bagay-bagay, mali-mali pa rin siya?

 

“Maybe what you’ve heard was your heart and not your stomach. Hindi kaya nangyari kahit kelan na nagging ‘LUB DUB LUB DUB’ yung tunog ng tiyan natin kahit pa nga sobrang gutom na gutom ka na.”

 

Natigilan naman siya sa sinabi ko tapos biglang tinitigan ako.

 

“Halaaaaaaa!!! Lagot ka kay mama, Mickey…”

 

Tinaasan ko siya ng kilay.

 

“At ano na naman ang kasalanan ko, ha?”

 

“May kasalanan ka! Kaya nga ayaw ni Mama na nagugutom kami kasi nagpapabobo daw yun. Ayan tuloy! Ayaw mo kasi akong pakainin kanina, eh. Lagot ko talaag kay Mama kapag bumagsak ako.”

 

“Sige na nga! Ano ba ang gusto mong kainin, ha?”

 

Ang ganda ng ngiti niya sakin bago sinabing…

 

“Caramel bar!”

 

Na naman?! Grabe! Hindi ba nagsasawa ang imapaktong ‘to sa kakakain nun?

 

“Wala na naman ako niyan dito, eh. Besides, male-late tayo kapag gumawa pa ako nun ngayon.”

 

“Akalain niyo ba naman nagwala siya dun dahil sa sinabi ko! Para talagang bata kung umasta! Lagi naman siyang ganyan kapag hindi nasusunod ang gusto niya, eh.

 

“Pero gusto kong kumain ng caramel bar ngayon!”

 

“Ang kulit mo naman, eh! Sinabi na ngang wala akong caramel bar dito!”

 

“Bakit ba ganyan ka?! Ang damot mo! Sinundo na nga kita tapos ganyan pa ang igaganti mo sakin?! Ni hindi  ka pa nga nagpapasalamat sa ginawa ko-----------“

 

“Magbibihis na ako. Kung pipiliin mong mag-inarte pa diyan, ikaw din naman ang magugutom, eh.”

 

Pinaikot ko lang ang mga mata ko tapos tinalikuran ko na siya. Wala rin naman mangyayari kung makikipag-away lang ako sa kanya, eh. Halata namang wala siyang balak making sa sasabihin ko.

 

Kahit kelan talaga, hindi tumatak sa isip ko na may pagka-spoiled brat din pala ang isang Dylan Lui-Hiwatari. Pano ba naman kasi, hindi lang ito ang unang pagkakataon na nagkaganyan siya sa harapan ko, eh,

 

Nahahalata ko na ngang napapadalas na yung pag-iinarte niya. At ang masama pa niyan, sakin lang siya naglalakas-loob mag-react ng gayan.

 

“Oh, halika na, male-late na tayo.”

 

Hindi siya gumalaw nun. Nakayuko lang siya dun sa dining table pero alam kong hindi siya natutulog at malakas ang kutob ko na wala siyang balak na umalis kapag hindi siya nakakakain ng caramel bar.

 

6:30 palang naman. May 1 hour pa kaming natitira bago mag-bell. Kaso kahit ganun, hindi pa rin ako aabot sa pagbi-bake kasi wala na akong ingredients dito. Hindi pa kasi ako nakakapag-grocery, eh.

 

Napabuntung-hininga nalang ako at umupo sa tabi niya.

“You must really want to eat caramel bar, huh?”

 

 

 

 














Web Hosting · Blog · Guestbooks · Message Forums · Mailing Lists
Easiest Website Builder ever! · Build your own toolbar · Free Talking Character · Email Marketing
powered by a free webtools company bravenet.com