untitled
viviti


 

“Can you even believe her? Ang lakas-lakas ng boses niya nung sinabi niya yun kaya ayun tuloy, tumingin sakin lahat ng mga tao dun. Parang sinasabi nila na ikaw na ang sumundo, ikaw lang naman ang gwapo dito, eh. Ang hindi ko lang talaga maintindihan kay Ropy ay kung bakit pa niya pinagkalat na gwapo ako. Dapat secret lang yun, eh. You know… I already have millions of fan girls and I don’t want them to turn into billions which is not impossible to happen knowing that jsahduasgdfasbds------“

 

Hindi na niya natuloy pa kung anuman yung balak niyang sabihin kanina kasi sinubuan ko siya ng paglakai-laking hiwa ng caramel bar. Napuno tuloy yung bibig niya kaya din na nakapagsalita pa.

 

“Ang daldal-daldal mo, Dennis. Male-late na tayo, oh. Mamaya ka na magkwento diyan. Magbibihis lang ako.”

 

Hindi ko na siya hinintay na makasagot pa. Umakyat na agad ako sa itaas para magbihis. Narinig ko pa siya nun na sumigaw.

 

“Ang sarap naman!!! Penge pa ako Mickey, ha?!?!”

 

Hindi ko na siya sinagot kasi alam ko, nakakalahati na niya yung caramel bar na ginawa ko, dun palang niya naalalang magpaalam sakin. Si Dennis yan, eh. Obviously, hindi tumatalab diyan ang hiya-hiya.

 

Nung bumaba ako, nakita ko siyang kumakain pa rin. Ang kalat na nga ng dining table ko kasi hindi lang yung caramel bar yung napagdiskitahan niyang kainin. Nag-imbento pa siya dun ng kung anu-anong dip.

 

Kung naiba-iba siguro si Dennis, kanina ko pa siya nasakal kasi mukhang jungle na ngayon ang pagkalinis-linis kong dining table kanina. Pero kagaya nga ng sinabi ko kanina, si Dennis yan, eh. Sanayan nalang siguro at pagkahaba-habaaaaaaaaaaaaannnnnggggggg pasensiya.

 

“Tama na yan, Dennis. Kain ka ng kain diyan, pagdating natin dun, hindi ka na gaganahang kumain kasi busog ka na.”

 

“Teka lang, Mickey… Last nalang ‘to, promise!!!”

 

Kaya ayun, ang ginawa ko, hinila ko na siya papalabas. Ayaw pa nga nung una pero tinakot ko. Sabi ko, hindi ko na siya bibigyan ng caramel bar sa susunod kapag hindi pa kami umalis agad. Effective naman sa awa ng Diyos. Basta talaga pagkain…

 

Nung nasa kotse kami, nagkwento siya ng kung anu-ano. Siguro mga 90% dun gawa-gawa lang niya at 10% lang yung totoo.

 

Nakarating din naman kami agad sa venue. Buti nalang din at hindi traffic. Nung nasa loob na kami, nagpaalam lang saglit si Dennis na pupunta sa restroom.

 

Pinaghintay niya ako sa may likod ng isang malaking puno. Dapat nga iiwan ko na siya nun kasi ang tagal niya pero napatigil ako nung makita ko si Ruke na papalapit sa pwesto ni Dylan na malapit lang sa puno na kinatatayuan ko.

 

Alam kong mali pero hindi ko mapigilang hindi making sa pinag-uusapan nila. UGH!!! Mickey, hindi ka na talaga natuto sa nangyari dati.

 

“I heard that you want to talk to, Harrow?”

 

“Yes. Don’t worry, I just want to ask Harrow if she knew something about the reason why Mickey backfired with the original plan of helping me to explain to our parents why I we shouldn’t be together.”

 

Nakita kong napailing-iling nun si Ruke. Yung mukha niya, parang sinasabi niya kay Dylan na disappointed siya.

 

“I believe that Harrow does not have any idea of why Mickey suddenly changed her mind at all. Besides, she doesn’t know that you and Mickey are engaged already.”

 

I heard Dylan let out a heavy sigh. It’s as if he suddenly lost all the hopes the world could give. Within that very moment, I felt sorry not only for the both of them-------- Dylan and Tita Sheryl, but mostly for myself. If and only if I hadn’t been born, these things wouldn’t be happening at all.

 

Siguro nga, kung nangyari yun, may sakit man si Tita Sheryl, at least hindi ako ang magiging dahilan ng mas maaga niyang pagkamatay at hindi ko makikita si Dylan na nahihirapan.

 

“Alam mo, hindi kita maintindihan, Dylan.”

 

Napatigil ako sa pag-iisip at napatingin ulit kay Ruke. Si Dylan naman, nakatingin rink kay Ruke. Dalawa na kaming naghihintay ng sasabihin niya.

 

“Mickey is a perfect example of an ideal girl. Honestly speaking, If I weren’t being force to be married to Harrow, I might as well choose Mickey as my wife.”

 

Halos sabay pa kami ni Dylan na nanlaki yung mga mata. Nakakatawa ngang tingnan, eh. Para kaming mga engot. Hindi naman dahil sa nalaman kong may posibilidad na magkakagusto sakin si Ruke kaya nagging ganun yung reaksiyon ko.

 

Sa totoo lang, mas namangha ako sa sinabi niya na ‘married’ at ‘wife’ stuff. Baliw talaga si Ruke! Tinutoo lahat! Haaaayyyyyy… Kawawa naman si Harrow sa kanya. HAHA!

 

“Think it over, man.”

 

Inayos ko agad yung sarili ko nang makitang papalapit ulit si Dennis sakin.

 

“Sorry Mickey, ha? Kinausap kasi ako ng mga fans ko dun, eh.”

 

Sus. Kinausap daw ng mga fans! Eh, may allergy nga ata siya sa mga yun, eh. Baka kamo kumain na naman.

 

Inalalayan niya ako habang naglalakad. Nakita kong nakatayo na nun si Ruke at mukhang babalik na sa table nina Harrow kaya ayun, pinasabay na ako ni Dennis sa kanya. Kakausapin daw niya si Dylan, eh.

 

Pagdating naman namin dun, hinila agad ako ni Ropy para daw makapagsolo ang dalawa. But I really know better, she was dying to ask me about what happened to me these past weeks.

 

“So, tell me about it!”

 

Sabi ko na nga ba, eh! Yung talaga ang binabalak ng bruhang ito kaya ako hinila.

 

“Well… I’m going to mar---------“

 

“Hey there, Mickey! Ropy! C’mere, you two! We’re gonna eat some chocolate cake!”

 

Nakahinga naman ako ng maluwag. Mabuti nalang tinawag kami niDennis! Whooooo!!! My savior! Kahit papano, may mabuting nagagawa din naman pala ang kakulitan ni Dennis, eh. Hehe.

 

Nung lumapit na kami ni Ropy, binigyan kami ni Ruke ng chocolate cake. Si Harrow ang nag-bake nun at binigay kay Ruke.

 

Masarap nga, eh. Pero si Ruke, halatang inaasar lang si Harrow at pinagpipilitan na hindi masarap yung cake. Ang kulit nga, eh. So yeah… The party ended up well.

 

***

 

“Let’s go, Mickey. Hahatid na kita.”

 

Sabi ni Dennis sakin nung nasa parking lot na kami ng Thew Cabin.

 

“Wait there, bro.”

 

Sabay kaming lumingon ni Dennis ng magsalita si Dylan sa likuran namin. Nakatingin siya saming dalawa ni Dennis.

 

“I’ll send her home.”

“Sure, bro. Basta ikaw.”

 

Nginitian lang ako ni Dennis tapos umalis na. Nung wala na si Dennis, noon lang tumingin sakin si Dylan. Ngumiti siya sakin pero parang nag-aalangan.

 

“Ahhhmmm… Let’s go?”

 

Tumango lang ako at kinakabahan na sumunod sa kanya kung saan naka-park yung kotse niya.

 

Pinagbuksan niya ako ng pintuan nun. Walang nagsalita samin habang nagda-drive siya. Nakatingin lang ako sa labas. Buti nalang nga at hindi traffic, eh. Pinagbukasan pa niya ako ng pinto pagkababa at sinamahan papunta sa pintuan ng bahay.

 

“T-thanks…”

 

“…”

 

Nakatingin lang ako sa kanya habang papalakad na siya pabalik ng kotse. Nung isasara ko na yung pintuan ng bahay ko, tinawag na ulit ako.

 

“Say, Mickey…”

 

Nakatingin lang ako sa kanya habang hinihintay ko ang sasabihin niya. Ewan ko ba, napansin kong parang nag-aalangan na naman siya nun, kung anuman ang balak niya sabihin sakin.

 

Huminga muna siya ng malalim tapos nag-aalangang ngumiti sakin.

 

























































“I was just thinking…. Ahhhmmmm…”

 

 

 

 

 

 







































 

 

“Why don’t we give it a try?”



Web Hosting · Blog · Guestbooks · Message Forums · Mailing Lists
Easiest Website Builder ever! · Build your own toolbar · Free Talking Character · Email Marketing
powered by a free webtools company bravenet.com