untitled
viviti


CHAPTER 21: GIVING IT A TRY

 

 

As expected, nagalit sakin si Dylan dahil sa sinabi ko na matutuloy yung kasal namin kaya ayun, hindi na niya tuloy ako pinapansin for almost a week na rin ata.

 

Mas lalo nga siyang naging masungit ngayon, eh. Dahil masyadong malalim ang iniisip ko kanina, nagulat nalang ako nung nag-ring yung Cell Phone ko.

 

“Hello?”

 

“Hoy, bruuuuu! Kumusta ka naman? We’ve never heard from you for quite a long time already. Bakit ka ba absent palagi, ha?”

 

Napabuntung-hininga nalang ako sa tanong ni Ropy.

 

“It’s a long story, really. I’ll just tell you when we have enough time.”

 

Gusto ko din kasi, kapag sabihin ko na ang dahilan ng pag-absent ko, andun rin si Harrow para naman isang explanation nalang yung gagawin ko.

 

“Mukha ngang mahaba yan, ah. Okay, ikwento mo nalang next time. By the way, you’re invited to the double celebration party. Pumunta ka, ha? Hindi pwedeng hindi. Hihintayin ka namin. Bye!”

 

“Pero--------“

 

HAYYYY… But it was too late, binabaan na niya ako ng phone. Actually, Harrow called me up earlier but I told her I couldn’t come because of personal problems. Naintindihan naman daw niya ako at tinanong nga niya ako kung may maiitutulong silang dalawa ni Ropy.

 

Sabi ko nalang, di naman malala at nag-thank you nalang ako sa offer niya. Pero sa tingin ko, wala na talaga akong takas ngayon kay Ropy. Nung subukan ko kasing tawagan siya, out-of-coverage-area yung phone niya.

 

Siguro sinadya niyang i-off para din a ako magdahilan pa. Pero pano naman kaya ako makakapunta, eh hindi ko naman alam kung saan yung venue? Ang tagal kong nag-iisip dun kaya nagulat pa ako ng biglang tumunog yung doorbell.

 

Sino naman kaya ang pupunta dito at may kelangan sakin? Wala naman akong ini-expect na bisita dahil sa totoo lang, gusto kong mapag-isa.

 

***DINGDONGDONGDONGDINGDONG!!!***

 

“Coming!!!”

 

Pasigaw ko na sabi kasi sunud-sunod yung pag-doorbell ng kung sino man yung nandun sa labas. Nang buksan ko, nagulat pa ako nasi Dennis pala yung nandun.

 

Kaya naman pala may pagkamakulit yung pagkaka-doorbell kasi napakakulit rin naman talaga nung gumawa.

 

“Mickey!!! Good eveninggggg!!!”

 

Aba! Lagi talagang mataas ang energy level ng isang ‘to. Siguro pag makita ko siyang tahimik, maninibago ako ng bonggang-bongga.

 

“Good evening din, Dennisssss!!!”

 

Ginaya ko pa yung way ng pagbati niya kanina sakin. Tumawa ba naman ng malakas at pinat niya yung ulo ko sabay sabing…

 

“Ang galling naman ng parrot na ‘to. Sige nga, eto nga gayahin mo ... ACHUCHUCHUCHUBLAHBLAHBLAHCHIKKKBOOMMMMBAA!!!"

 

Tapos tumawa na naman siya dun ng malakas. Binatukan ko nga. Ginawa na nga niya akong ibon, inuuto pa niya ako.

 

“Aray ko po!!! Ang sama mo, Mickey!!!”

 

Hinimas-himas niya yung part na binatukan ko. Ewan ko nga diyan sa makulit na yan, nasaktan na nga, masayang-masaya pa rin yung mukha niya na parang walang nangyari. Now tell me kung dapat ba akong mag-aalala?

 

“Ang kulit mo naman po kasi. What are you doing here anyway? Naligaw ka ata?”

 

Ngumiti siya dun ng kakaiba tapos bigla ba namang nag-mister pogi sa harap ko. Ang kulit nga eh pero cute niya in fairness.

 

“Sabi kasi ni Ropy, di niya pala nasabi sayo yung venue nung party kaya pinapasundo ka nalang niya at para na rin daw hindi ka na makatanggi at gumawa-gawa ng kung anu-anong alibi para lang hindi ka makapunta sa party.”

 

Napataas ako ng kilay nun habang nakatingin sa kanya.

“At pinasundo pa talaga niya ako sa isang napakakulit na lalaki para mapilitan talaga akong sumama, eh, noh?”

 

Sabi ko naman habang nakataas pa rin yung isang kilay pero pabiro lang naman yun.

 

“ERRRNNNGGGGKKKKK!!! Wrong!!! Sorry but you lost the game!!!”

 

Tapos tumawa ba naman ng pagkalakas-lakas. Grabe! Kung may tao man akong kilala na hindi nauubusan ng energy, si Dennis na yata yun.

 

“Actually, what Ropy said was… ‘Sino ang pwedeng sumundo kay Mickey sa bahay niya? Dapat yung gwapo ha na katulad ni Dennis.’

 

Natawa ako ng pinilit pa talaga niyang gayahin hindi lang yung boses ni Ropy pero pati na rin yung boses. Ang sagwa kasing pakinggan.”

 

Kung kasing gwapo ba naman ni Dennis ang magiging bakla, malamang magluluksa ang buong mundo. Pero dun sa sinabi niyang yun, sa tingin ko yung first sentence lang yung totoo dun. The rest… Kelangan ko pa ba talagang sabihin? I guess nahalata niyo naman diba?

 

“So ayun nga… Tumayo nalang ako at sinabi na ako na ang susundo sayo. Alam ko namang ako lang talaga ang pinariringgan niya, eh.”

 

Oh well… Knowing Dennis… Pagbigyan niyo nalang at baka umiyak pa yan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 



 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 



 


Web Hosting · Blog · Guestbooks · Message Forums · Mailing Lists
Easiest Website Builder ever! · Build your own toolbar · Free Talking Character · Email Marketing
powered by a free webtools company bravenet.com