untitled
viviti


CHAPTER 20: CHANGES

I wiped away the tears that fell from my eyes before entering the kitchen. Nakita ko si Tita Sheryl na busy sa pagluluto. Nakatalikod siya sakin at mukhang hindi nga niya ako napansin na pumasok, eh.

“Hi, Tita!”

I tried my best to voice out a cheerful great. I almost forgot my heartbreak because the aroma of the food keeps on destructing my growling stomach. YUMYUM!!! Kung hindi ako nagkakamali, beefsteak yun.

“O-Oh! You’re quite early.”

Napakunot-noo ako nun. Ipinagpatuloy lang ni Tita Sheryl yung ginagawa niya at hindi man lang ako nilingon. And not to mention, her voice was kinda shaky.

“Tita, what’s wrong?”

Nag-aalalang tanong ko sa kanya. Nagulat nalang ako nung lumingon siya, nakita kong namumula yung mga mata niya. An indication the she just came from crying.

It’s nothing, Mickey. Don’t mind me, okay?”

Nagkunwari siyang madaming ginagawa. Hindi na rin ulit siya tumingin sakin. Halatang umiiwas siya, eh. Now, I really am sure something’s definitely not right.

“But Tita--------“

“I’m alright, Mickey. Just go to the living room and watch some movies. I’m really fine here,”

“Well, you don’t look alright to me.”

Nagulat nalang ako nung marinig ko na umiyak si Titan g malakas. Napalapit tuloy ako bigla sa kanya kahit naguguluhan pa rin ako sa nangyayari.

“Tita, what happened?”

“Mangako ka munang hindi mo sasabihin kahit kanino. Mangako ka, Mickey!”

“Opo. Pangako po, Tita.”

“It’s positive, Mickey.”

Tapos umiyak na naman siya ng umiyak. Ako naman, mas lalo tuloy naguluhan sa sinabi ni Tita.

“Huh? I don’t understand, Tita.”

“I’ve got the result and it’s positive. I have a cancer, Mickey. Mamamatay na ako!”

Pakiramdam ko nung mga oras na yun, hihimatayon na talaga ako. Hindi pa nga naaayos yung isa kong problema, kung ano ang idadahilan ko at ayaw ko nang magpakasal kay Diyaln, may dumagdag na naming isa ngayon. UGH!

“Estimated for how long, Tita?”

“Two years, Mickey. At wala na ring magagawa ang mga gamut at doctor para mapagaling pa ako.”

Napaiyak na rin ako sa narinig. Wala na ba talagang katapusan ang pagdating ng mga problema ko?

“But you seemed to be always in good shape. You looked so healthy to be in that position.”

“Then you thought wrong.”

Hinawakan ni Tita yung kamay ko at nginitian ako. I never thought then that a sad smile would be possible. Pero ganun ang ngiting nakikita ko sa kanya ngayon.

“Mickey, I’m honored that you are the woman my son’s going to marry. At least I can die peacefully knowing that he’ll be in good hand. You’re nice and capable of being a perfect wife. Besides, I know you love Dylan and you will not hurt him whatever it is that going to happen.”

Mali ka sa inaakala mo, Tita. Sa pagpayag ko pa lang na magpakasal sa anak mo, nasaktan ko na siya.

Gustung-gusto ko sanang sabihin yun pero wala naman akong lakas ng loob. Naramdaman kong humigpit ang pagkakahawak ni Tita sa kamay ko.

“Promise me, Mickey, that there’s a wedding going to happen. Promise me that will marry Dylan. Please, Mickey, mangako ka. Please grant my last wish, bago man lang ako mawala ditto sa mundo.”

I couldn’t bear looking into those pleading eyes. I’m so sorry, Dylan. Oo nga, mas mahal kita kesa sa Mama mo pero mas importante ang kaligayahan nya ngayon. Sorry… Tiningnan ko si Tita at tumango.

“I-I p-promise.”

Nakita kong napangiti siya at niyakap ako.

“Thank you so much, Mickey! Alam kong hindi mo ako bibiguin.”

“Ahmmm… Pupunta lang mina siguro ako sa living room, Tita.”

“Of course! Of course! Tawagin mo na rin sila at kakain na.”

“Opo, Tita.”

Tumayo na ako at lumapit sa pinto. Hindi pa nga ako nakakalabas nang tawagin ulit ako ni Tita Sheryl.

“By the way Mickey, call me ‘Mama’.”

Ngiting-ngiting sabi sakin ni Tita, este, ni Mama pala. Mas lalo tuloy sumakit yung ulo ko. Hindi ko na siya sinagot nun, sinunod ko nalang yung utos niya.

“Wow! Beefsteak with lotsa onions as requested! This is gonna be a tasty dinner!”

Sabi ni Dennis na as usual, hyper na naman. Kasunod niya sina Dylan, Kurp at Kai. Kurp is their third brother while Kai’s the fourth one. A second year college and the latter was a fourth year high school. Sa kanilang apat, si Dennis lang ang naiiba. Yung dalawa kasi, nagmana yata kay Dylan dahil masusungit din, eh.

Umupo na kaming lahat. We had garlic rice, beefsteak with lotsa onions as Dennis put it, fried onion rings and chocolate mousse for dessert.

“Ikaw Dennis, ha, pumupunta ka lang ditto kapag sinasabihan ka. Hindi ka na marunong makaalala.”

Sermon ni Tita, errrr… Mama pala kay Dennis. Sa tingin ko, hindi talaga ako masasanay na Mama ang itawag kay Tita Sheryl. Naasiwas kasi ako, eh. Back to Dennis, ang alam ko kasi, nakatira na siya sa condo niya simula pa nung nag-College sila ni Dylan. Pareho silang dalawa.

“Si Mama talaga, oh! Alam niyo naman na busy ako ngayon, eh. Huwag na kayong magtampo.”

Sumadal pa siya nun sa balikat ni Tita, OKAY! OKAY!, ni Mama  na parang naglalambing. Ang sweeeeet nga, eh.

“Heh! Palagi nalang yan ang idinadahilan mo! Bakit si Dylan, nakakadalaw?”

Napakamot nalang si Dennis sa ulo niya.

“Ikaw kasi Dylan, eh! Bigyan mo na nga ng apo ‘tong si Mama para naman hindi na niya ako name-miss masyado. At dapat kasing cute at kaugali ko baka naman masungit yung ibigay mo katulad ninyong tatlo.”

Natatawang umiling-iling si Dylan. Can he still be that bubbly if I tell him our wedding’s still on?

“Tell you what, Ikaw nalang kaya ang magbigay ng apo kay Mama para naman siguradong kasing kulit mo.”

“Nah… It wouldn’t be possible, I guess…”

“Why, Ahia?” (Ahia=Kuya) Curious na tanong ni Kurp sa kanya. Pati nga ako na-curious din sa sinabi niya, eh. Bakit nga kaya impossible? But he just shrugged and teased Dylan instead.

“You look so happy today. Want to share something?”

Technically, napatingin lahat kay Dylan na ngiting-ngiti.

“Actually, we have something to announce, right, Mickey?”

Tumingin siya sakin na parang ako na yung pinagsasalita niya. Siyempre pa, sakin na na-focus yung atensiyon ng lahat.

“Dylan and I finally decided to get married as soon as possible.”

Nang matapos kong sabihin yun, halos maibuga ni Dylan yung red tea na iniinom niya. Si Mama, tuwang-tuwa na pumalakpak dun habang sinasabing…

“That’s great!”

Si Tito Arnold naman, or should I say, Papa, napangiti.

“Congratulations!”

Si Dennis, tatawa-tawang napailing-iling dun tapos sinabing…

“Oh, Ma! Matutupad na rin ang matagal mo nang pinapangarap na mga apo!”

Yung dalawa naman, Kurp at Kain, NO COMMENT. Natapos naman ng maayos ang dinner namin kahit pa nga bumalik sa pagiging moody si Dylan. Nung dalawa nalang kami, galit na galit na hinarap niya ako.

“What are you playing at?! We talked about this already but why did it turn on like this?! Akala ko ba napag-desisyunan mo nang tutulungan mo ako para hindi matuloy yung kasal natin?!”

I met his icy glare as I answered him as cold as his eyes were.





































































“Well, what are you gonna do, Dylan? My mind changes, my decision changes, people change, I CHANGE.

 


































































Web Hosting · Blog · Guestbooks · Message Forums · Mailing Lists
Easiest Website Builder ever! · Build your own toolbar · Free Talking Character · Email Marketing
powered by a free webtools company bravenet.com