CHAPTER 19: ACCEPTANCE
Pagkatapos nung tinatawag ni Tito Arnold na ‘sensible talk’, engaged na kami ni Dylan ngayon. HAAAY. Yes, the wishes of those three oldies basically got granted. Actually, I am wearing the ring now. Pinilit din kaming dalawa ni Dylan nung tatlo na tumulong sa pagpre-prepare para sa kasal kaya ayun, ang tagal na naming absent sa school.
*DINGDOONG!!! DINGDOOONG!!!*
Huminga muna ako ng malalim bago binuksan yung pinto.
“Hi.” Dylan greeted and suppressed a dull smile.
“H-Hello.”
“You ready to go?”
“Yes.”
“Then, let’s get going.”
Inalalayan niya ako hanggang sa pagsakay sa kotse niya. The whole trip was so unbearably quiet. Hindi niya ako kinausap nun kaya nanahimik nalang din ako. Papunta kami ngayon sa bahay nila para sa family welcoming dinner na sinasabi ni Tita Sheryl. Mabuti na nga lang at hindi traffic nun kaya nakarating kami agad. Dahil kung nagkataon, mababaliw siguro ako sa sobrang katahimikan. Obviously, hindi ako sanay sa ganun.
“Mommy’s at the kitchen, I guess. I believe you know your way?”
Sabi niya sakin. Tumango lang ako. Nasa dining room na kami nun at ang katabi lang yung kitchen. Nung tatalikod na sana siya, hinawakan ko yung kamay niya para pigilan siyang umalis.
“Dylan, wait.”
“Yeah?”
Tumingin ulit siya sakin nun. Medyo tumaas pa nga yung mga balikat niya, halatang nagulat sa ginawa ko.
“Is there a problem, Mickey?”
Napansin kong napatingin siya sa kamay niya na hawak-hawak ko pa rin kaya binitawan ko agad yun.
“I’m gonna turn it down.”
“Huh?”
Tanong niya na parang nalilito pa rin sa sinasabi ko. I took a very deep breath before explaining further.
“I’ll be cancelling the wedding.”
Sobrang binilisan ko ang pagkakasabi nun kaya hindi ako sigurado kung naintindihan niya ako.
“What?!”
Halos atakihin ako sa puso ng bigla-bigla nalang niya akong sinigawan. Binatukan ko nga! Pinapasaya na nga siya, balak pa niya akong patayin sa gulat.
“Hindi mo pa rin ba naiintindihan?”
Medyo naiinis na ako nun. Ang kulit kasi, eh. Akala ko ba, pag matalino ang isang tao, isang sabi lang, naiintindihan na kaagad niya yun.
“No… I mean, yes… Naiintindihan ko yung sinabi mo, but are you sure?”
Yung itsura niya, parang hindi pa rin siya makapaniwala pero sa nakikita ko sa mga mata niya, wala siyang balak na tumanggi sa suggestion ko. Baka nga supportahan pa niya ako sa pagsabi nun sa mga magulang namin, eh.
“O-Of course!”
Pinilit kong pasayahin yung boses ko kahit na ang gusto ko sa mga oras na yun ay umiyak nalang.
“Leave it to me, okay? See you at dinner.”
Tinalikuran ko na siya agad nun at di ko na hinintay yung sasabihin niya. But then, I stayed on track. This time, he was the one who stopped me by holding my hand.
“Thank you, Mickey.”
I saw him smiled at me… And that was his real smile. I could almost see happiness in his eyes.
“Don’t mention it.”
As he walked away from me, I realized that I really made the right decision for the both of us. He deserves to be happy after all. And as for me… I guessed I should start embracing reality from now on. Yes, I must accept the fact that………
Dylan would never learn to love... 



bravenet.com