CHAPTER 16: THE ANNOYING BUDDHA
"Alam mo yun, pagkatapos ng lahat-lahat na ginawa ko para sa kanya, yung pagtatanggol ko sa kanya laban sa pamilya ko at barkada ko, she still chose that damned modeling career over me! What's with women going crazy over that stupid fashion?!"
"It's a girl thing, Dylan." Napapabuntong-hininga kong sagot. Pano ba naman, halos one hundredth times na niyang itinanong sakin yun at paulit-ulit lang din yung sagot ko na yun.
"Oh yeah? A girl thing which is so full of shit!" Inisang inom lang niya yung beer niya. At parang hindi pa nga siya nakontento kasi tinungga pa niya yung bote. Yep. Ganyan si Dylan Lui-Hiwatari kapag lasing. Kwenekwentuhan ka ng biography niya at uulit-ulitin pa yun na para bang ang akala niya, isa kang engot na hindi mo maiintindihan ang sinasabi niya kapag hindi irereplay sa utak mo. Masyado rin siyang nagiging expressive sa pagbibigay ng opinyon sa mga bagay-bagay. Nasobra pa nga yata, eh.
"Correction, Mr. Lui-Hiwatari, fashion has never been full of shit. As a matter of fact, it's the art of styling." Umismid siya ng todo-todo.
"Spare me with that bullshit." Parang nandidiring sabi pa niya sakin. Napatingin kaming pareho sa pinto nung tumunog yung doorbell. Ako nalang yung tumayo kasi halata namang hindi siya interesado kung sino yung tao sa labas, eh.
"Good evening, Ma'am!" Food delivery pala. Siyempre, nagtaka naman ako. Katatapos lang naman namin kumain, eh. Besides, it was already 3:15 AM.
"Bakit ba nangyari sakin 'to?! Ano pa ba ang kulang sakin at mas pinili pa niya yung lintik na modeling career na yun kasya sakin! Ano?!"
Gulat na sabay pa kaming napatingin ng delivery boy kay Dylan. Nakaluhod na nga yung impakto sa sahig at kinakausap yung Buddha figurine dun, eh.
"What?! Why are you not answering me?! Don't you know who I am? I really hate it when people wouldn't answer me when I asked them a question, moron!"
Tapos nung wala talaga siyang makuhang sagot, malamang naman na talagang mangyayari, sinakal na niya yung Buddha.
"Hah! Look at you! Pangiti-ngiti ka pa diyan, eh nasasaktan ka na nga! Masaya pa niyan, ha?!"
Wrestling na yung ginawa niya dun. Inay ko po! Ang mahal-mahal pa naman nung figurine na yun. Sana man lamang at hindi mabasag.
"Wipe that stupid grin off your face, asshole!" Nang hindi pa rin masunod yung gusto niya. binitawan niya yung buddha at medyo lumayo siya ng konti at tinitigan yun ng masama.
"Ayaw mo talagang sumuko, ha! BALIW KAAAAAA! BALIIIIIWWWWWW!" Whoa, there! Nagsalita ang hindi baliw! Patuloy pa rin siya sa kabaliwan niya dun habang ako, hinarap ulit yung delivery boy.
"A-ah... Eh, Ma'am... Uhmmm... Ayos lang po ba si Master Dylan?" Tingnan niyo, pati yung delivery boy, nagulumihanan sa pinaggagagawa ni Dylan. What a sight talaga ang impakto.
"Ah, oo, lasing lang yan." Nginitian ko siya. "Sandali lang, ha? Tatanungin ko lang si Dylan kung siya yung nag-order ng dala-dala mo.” Tumango lang yung delivery boy at ako naman, lumapit na kay Dylan.
"Dylan." Pero deadma to death ang drama ng impakto.
"Dylan." Medyo nilakasan ko na ang pagtawag ko sa kanya pero hindi pa rin niya ako pinapansin at pinatuloy lang niya ang pakikipag-away niya sa buddha. Nag-declare pa ng war ang impakto. Tsktsktsk!
"I said, Dylan!" Sinabayan ko ng batok yung pagsigaw ko kaya naman nauntog yung noo niya dun sa ulo ng Buddha.
"Ouch!" Muntik na akong matawa ning sinapok muna niya sa ulo yung buddha bago ako pinansin. "What?!" Ang sungit talaga ng impaktong 'to kahit lasing na.
"Did you order some food?"
Umiling-iling siya. "No."
Tapos kumunot-noo. "Ah... Yes."
Maya-maya lang napakamot na niya ng ulo. "I dunno."
Oh well. What would you expect sa isang lasing? Eh di siyempre, magulong sagot lang naman. I think he ordered some food because the delivery boy wouldn't be here if he didn't, right? Iniwan ko na siya dun at lumapit ulit sa pintuan.
"Okay, we'll take it." Nagbigay nalang ako ng tip tapos nag-sign ako dun sa papel.
"Thank you, Ma'am! Enjoy the food!" Tumingin muna ulit yung delivery boy kay Dylan bago umalis. Ako naman, nilagay ko muna yung mga pagkain sa mesa tapos nilapitan ulit ang impaktong nababaliw na at umupo sa tabi niya.
"Oh, halika na. Matutunaw yung milkshake dun."
Pero hindi siya tuminag sa pwesto niya at nakatingin lang sa buddha. "Mickey... Why is it that he wouldn't stop smiling?"
"He's still happy after I beat him to the pulp?" Ako naman ang nalito sa sinabi niya. Ano ba naman ang pinagtatatanong ng impaktong 'to? Ang we-weird!
"Well, he has his own reason. I guess..."
"But what's his reason?"
Ala eh! Hindi ka ba mauubusan ng tanong, ha? "I don't know. Why don't you ask him instead?" Tumingin naman ulit siya sa buddha.
"I was asking him that earlier but he wouldn't answer." Natural! Estatwa yan, pano ka naman sasagutin niyan? Hindi ko na siya sinagot nun.
"Maybe that's the reason why Shajana left me." Weird na napatingin ako sa kanya. Ano naman ang kinalaman ng buddha sa paghihiwalay nila ni Shajana?! TSKTSKTSK. Baliw na nga yata ang impaktong 'to. "Because I don't a lot like he does."
ERRRNNNGGGKKK! Correction! You don't smile at all. "No, she left you because she was too crazy not to see what a great person you are." Tiningnan niya ako ng masama.
"She's not crazy, she's pretty." I just rolled my eyes and get up already.
"She's just pretty, Dylan while I am beautiful and you’re lucky that you’re with me. Now c'mon and get up already." Hindi ko na siya hinintay nun at bumalik nalang ako sa pwesto ko kanina sa couch. Hindi naman nagtagal, nasa tabi ko na siya. Nang ibigay ko sa kanya yung milkshake niya, napansin kong nakatitig lang siya sakin.
"O, anong nangyari sayo?" Hinawakan niya yung ulo niya nun pero nakatingin pa rin siya sakin.
"Masakit ulo ko."
"Iinom-inom kasi hindi naman pala kaya." Sabi ko habang inaalalayan siyang uminom ng tubig.
"Kaya ko, noh..." Aba't, nakipag-debate pa talaga ang isang 'to!
"Obvious nga dahil sumasakit na yang ulo mo ngayon at tinutulungan pa kitang uminom ng tubig."
"It was all that stupid buddha's fault. Inuntog kasi niya ako sa ulo niya kanina, eh." Tingnan mo 'to, kahit yung walang kaalam-alam na buddha, sinisisi pa sa pagsakit ng ulo niya.
"You want to eat some pizza?" Yun kasi yung inorder niya at dalawang milkshake.
"Nah..."
"Okay. Inumin mo nalang itong milkshake mo at ilalagay ko muna itong pizza sa refrigerator. Kukuha na rin ako ng gamot para mabawasan ang sakit ng ulo mo. Wait here, okay?" Tumango lang siya sakin tapos isinandig niya yung ulo niya sa couch. Ako naman, kinuha ko yung box ng pizza tapos pumunta na sa kitchen. Pagbalik ko, nakita ko siyang inuubos na yung milkshake niya. "Here, take this." Sabi ko sabay bigay ng pain reliver sa kanya. Ininom naman niya agad yun.
"Mickey..." Nanonood na ako ng TV nun at kauubos ko palang ng milkshake ko.
"Hmmm?" Nang lumingon ako sa kanya, ayun na naman yung weird na tingin niya sakin. And it happened so fast. The next thing I knew, he was already on top of me. "Dy-Dylan??!" Gulat na napatingin ako sa mukha niya habang siya, ganun pa rin. Nakatingin pa rin sakin. Then he kissed me. It was just a light kiss.
"You're right..." Maya-maya lang ay sabi niya. Ako naman, shocked pa rin na nakatingin lang sa kanya. "You really are beautiful..." Then he smiled. It was the best smile life could offer. He touched my face slowly and looked into my eyes. "Sana pala..."
"Ikaw nalang ang minahal ko."


bravenet.com