untitled
viviti


CHAPTER 15: REMINISCENE



Habang nagliligpit ako ng kinainan namin dun, gigil na gigil pa rin ako. Hindi pa naman ako pwedeng pumunta sa living room at patayin ang impaktong yun. If there was one thing I hated the most, it was probably a messy house.

 

Fastforward tayo. :))

 

Nang matapos ko na lahat, napatingin ako sa wristwatch ko. It says 1:28 AM. GAAAA! Kaya naman pala nakakaramdam na ako ng antok nun. Pagpunta ko sa living room, mas lalong nadagdagan ang inis ko nun. Pano ba naman hindi, eh relax na relax yung impakto dun habang nanonood ng TV samantalang ako, ang dami kong nagawa dito, eh hindi ko naman bahay 'to in the first place! Diba, dapat yung bisita ang pinagsisilbihan? Ba't nabaliktad naman ata ngayon? GRRRRR!!!

 

"Ako ba, ginagawa mong katulong, ha?" Impakto ka!

 

Nakapamaywang na ako nun habang nasa harap niya. Natakpan ko na yung TV kaya naman no choice siya kundi tingnan ako.

 

"No."

 

Kumunot pa yung noo niya nun. Hindi daw! Eh bakit ako yung nagligpit ng mga kalat niya, nagwalis, nag-vaccum, nagluto at naghugas ng mga pinggan kung hindi katulong ang tingin niya sakin? Ha?!

 

"Besides, it's not the likes of you. You are so classy and... and..."

 

Mas lalong kumunot yung noo niya na parang nag-iisip ng tamang kadugtong dun sa sinabi niya. Tinaasan ko naman siya ng kilay habang hinintay yung sasabihin niya.

 

"And what?"

 

"Masyado kang ma... ah... ma..."

 

Dalawang kilay ko na ang nakataas nun. I don't really like what it sounds. Huminga siya ng malalim.

 

"What I mean is, ma---"

 

"Maarte ako?"

 

Natawa siya bigla at ako naman, pinamaywangan ko ulit siya.

 

"Oo. Buti nalang ikaw na ang nagsabi kasi kanina ko pa talaga hindi madugtungan yun baka magalit ka sakin."

 

Tiningnan ko siya ng masama sabay binatukan.

 

"Aray ko! Oi, masakit yun, ha!"

 

Hinimas-himas niya yung ulo niya tapos tumingin sakin.

 

"I was just kidding! Ikaw naman, hindi ka na mabiro. Ang talagang kadugtong dun ay masyado kang maganda hindi maarte, okay?"

 

Hindi ko mapigilang mapangiti. Dylan really has ways to make me...

 

"Pero bagay rin naman pala yung maarte, eh. Thanks for the idea, Mickey."

 

A killer someday! GRRRRR!

 

"Joke lang ulit! Wahahahahaha! Nakakatuwa ka pag galit. Ganito yung itsura mo, oh!"

 

Tapos yun... Ginaya niya yung mga expressions ko kanina. Halos gumulong kami sa katatawa dun. Ang kulit-kulit pala ni Dylan. Katulad rin siya ni Dennis. Ang pagkakaiba lang nila, once in a lifetime lang siya maging ganito. Nang mapagod na kami, tumigil na siya sa panloloko. He looked at me and smiled but this time, it didn't reach his eyes.

 

"Hey, can you get me some beer?"

 

"Beer? Bakit naman beer? Ano ang gagawin mo dun?"

 

Natawa siya sa sinabi ko. And this time, a real one.

 

"Kakainin ko?"

 

Pilosopo niyang sagot kaya inirapan ko siya pero pabiro lang naman.

 

"Akala ko ba hindi mo ako gagawing katulong, ha?"

 

"Hindi nga dahil hindi naman talaga bagay sayo. So, can you get me now? Please? Just a friendly favor, I swear."

 

Tumango nalang ako at kinuha na nga yung hinihingi niya. Ewan ko ba, pero pakiramdam ko lumungkot ulit siya. Naisip ko din, siguro naalala na naman niya yung nangyari kanina. The break-up with Shajana, I mean... And I really think that he will be drinking too much the way he acts right now. Yes, he was too miserable and in great tribulation.

 

Bakit ba kasi kelangan pa niyang maalala ulit yung nangyari? Ang saya-saya na namain kanina, eh. That Shajana... she ruined everything. Of course, a part of me was happy that they were not together anymore, but there was also something inside of me that pity Dylan's suffering.

 

Patuloy lang ako sa paninisi kay Shajana dun habang nagluluto ako ng pwedeng kainin. I prepared the beer and two shot glasses. Iinom na rin ako pero konti lang. Ayoko na pareho kaming malasing. Nung ayos na ang lahat, bumalik na ako ng living room.

 

"Ang tagal mo naman. Pag ganyan ka, baka mawalan ka agad ng trabaho niyan."

 

"Eh kung ibalik ko kaya ang mga 'to ulit dun?"

 

Tinawanan lang niya ako at tiningnan yung mga dala-dala ko. Na-curious siguro kasi ang dami eh beer lang naman yung pinapakuha niya.

 

"What do we have here?"

 

Tinulungan niya ako sa paglalagay sa mesa.

 

"A popcorn... Together with some beer, huh? Some kind of combination, really."

 

Inirapan ko siya.

 

"Puro ka anamn reklamo. Buti nga at nilutuan pa kita, eh."

 

"May sinabi ba ko? C'mon, join me."

 

Umupo naman ako sa tabi niya habang siya, uminom agad ng beer. Oh well, I guess....

 

















































































This is going to be a very looooooooooooong night.






































































 


Web Hosting · Blog · Guestbooks · Message Forums · Mailing Lists
Easiest Website Builder ever! · Build your own toolbar · Free Talking Character · Email Marketing
powered by a free webtools company bravenet.com