CHAPTER 14: USAPANG PATAY
"You know what? I still can't believe that you can actually cook and bake. Wala kasi sa itsura mo."
Tinaasan ko ng kilay si Dylan sa sinabi niya.
Bakit? Hinihingi ko ba ang opinyon mo, impakto ka? Gusto ko sanang sabihin sa kanya pero huminahon nalang ako. Kaninang-kanina pa kasi ako pinipikon ng lalaking ito, eh.
But I really need to calm down. Ano nalang ang sasabihin sakin ng mga tao kapag tuluyan akong nawalan ng composure nang dahil lang nakasama ko ng isang gabi ang isang impaktong nagngangalang Dylan? GOSH! I couldn't even take myself to imagine such a horrible thing.
"At bakit naman, ha?"
Impakto ka! Kanina ka pa talaga!
"Pano naman kasi..."
Hindi muna niya tinuloy yung sasabihin niya. Tiningnan niya ako.
"No offense meant, okay? Ang arte mo kasi."
I was totally SHOCKED. No one has ever dared to tell me that I'm maarte. Well, maybe they had been thinking that I am, but still they didn't tell me right into my face!
"Eh kung tusukin kaya kita ng tinidor na 'to at ikaw ang kainin ko diyan?"
Pinanlakihan ko pa siya ng mata nun pero tinawanan lang ba naman ako. Ewan ko nga ba, pero habang patagal ng patagal na magkasama kami, hindi ko maiwasan na mag-isip na patayin siya. Magiging kriminal pa yata ako dahil sa lalaking 'to! MY GOLLY!
"But you know what? It's okay, I guess. Kaya mo namang dalhin ang sarili mo, eh. At basta ba wala kang gagagwing makakasakit sa kapwa mo, sa tingin ko ayos lang na maging maarte ka. Besides, I think it wouldn't fit you when if you were plain. Mas maganda na sigurong ganyan ka. It's the uniqueness that made you glow more, inside and outside."
Napangiti naman ako sa sinabi niya. That was soooooo...
"Pero hindi pa rin mawawala yung katotohanan na maarte ka."
ANNOYING!!! Ugh! Bwisit talaga!
"Nakuuuuu!!! Konting-konti nalang at dadanak na talaga ang dugo dito sa bahay mo, Dylan. Mapapatay na talaga kita!"
Tulad ng nangyari kanina, tinawanan lang niya ulit ang sinabi ko sabay urong ng plato niya sa harap ko.
"Pwedeng pahingi pa?"
Ang kapal mo! Hindi na pwede, impakto ka! Pero binigyan ko pa rin siya. Para siyang tanga na abot hanggang tenga yung ngiti niya at ipinagpatuloy ang pagkain.
"You will not do it because you can't, believe me."
Nagulat ako ng bigla nalang niya akong kinausap ulit. Ano na naman kaya ang tinutukoy nitong impakto na 'to? Ang weird niya! Mukhang nabasa naman niya yung iniisip ko.
"Alam mo na, yung killing thing na sinasabi mo kanina."
Napataas ang isa kong kilay.
"Meaning, hindi kita kayang patayin, tama ba?"
He looked so confident when he answered...
"Exactly."
Mas lalo ko pa tuloy tinaasan yung kilay ko.
"And why's that?"
"Basta."
Parang batang sagot niya. Ang cute!
"Then how can I belive you if you won't tell me why."
Alanganing tumingin siya sakin pero patuloy pa rin sa pagkain ng Caramel Bar.
"The most important thing now is, you really are a good cook."
Ngumiti lang siya dun kaya hindi ko rin napigilang mapangiti. Totoo nga yata yung kasabihang, 'A WAY TO A MAN'S HEART IS THROUGH HIS STOMACH.'
Nauna siyang matapos kumain kaya naman mas una siyang tumayo. Manonood raw kasi siya ng T.V, eh. Hindi ko nalang siya pinigilan dahil madami na rin naman siyang naitulong kanina sakin. At mukhang hindi naman talaga siya nababagay sa paglilinis ng bahay. Ang sagwa kasing tingnan sa kanya.
"By the way, Mickey. I just want to correct some mistake here."
Nasa may pintuan na siya nun at seryoso ang itsura niya kaya naman hindi ko mapigilang makinig talaga sa sinasabi niya.
OKAAAAY. He was sermoning me about what is good and what is bad here. But I swear, I didn't want to get involve of this lecturing thingy of him.
"It's not the proper word."
"Huh?"
I'm really lost now and I need a map so badly. He faced me and smirked.
Uh-oh. I swear, I am not going to like whatever he's gonna say to me.
"Ang tama dapat ay, PATAY NA PATAY ka kamo sakin."
Pagkatapos na pagkatapos niyang sabihin yun, lumabas na siya ng mabilis. Naririnig ko pa nga yung mala-demonyo niyang tawa habang papunta siya sa living room, eh.
"Ang yabang-yabang talaga ng impaktong yun! Papatayin ko na talaga siya!"
Napatigil ako ng bigla na lamang nag-echo sa utak ko yung sinabo niya sakin kanina.
'PATAY NA PATAY ka kamo sakin. PATAY NA PATAY ka kamo sakin. PATAY NA PATAY ka kamo sakin. PATAY NA PATAY ka kamo sakin. PATAY NA PATAY ka kamo sakin. PATAY NA PATAY ka kamo sakin. PATAY NA PATAY ka kamo sakin. PATAY NA PATAY ka kamo sakin. PATAY NA PATAY ka kamo sakin. PATAY NA PATAY ka kamo sakin.'
Nanggigigil na talaga ako dun.
"Patay na patay pala, ha!"
SHOTGUN PLEASE!!! Anyone?!


bravenet.com