CHAPTER 13: OPERATION... LINIS!
"Finally, welcome to my humble abode."
Ang sabihing nagulat ako ay kulang pa yata. No, kulang na kulang talaga! Napanganga at natulala pa nga ako. Bakit ba naman hindi? Kung ikaw ba naman ang nasa kalagayan ko, tingnan lang natin kung pano ka magmumukhang engot.
"W-what happened here?"
"Ouch."
Nilagay pa ni Dylan ang kamay niya sa dibib niya at umarteng para bang nasaktan talaga siya sa sinabi ko. In all fairness, he has the potential in terms of acting career.
"Honestly Dylan, it looks like as if a tornado swept through your house."
Alam ko naman na makalat talaga ang mga lalaki sa gamit pero nasobrahan naman yata si Dylan sa pagiging ganun. Nakakapanghinayang nga, eh. Ang ganda-ganda kasi ng unit niya, ang dumi-dumi naman. Hindi mo maa-appreciate ang ambience dahil sa mga basurang nakakalat lang kung saan-saan. Nakaka-distract talaga ang paligid.
"C'mere, let's get inside already."
Halos hindi ko na mabilang kung ilang beses kaming malapit madapa dahil sa mga kalat dun na nagtra-trap saming dalawa. Bago kami makarating sa living room niya, feeling namanhid na ang buong katawan ko dahil immune na iyun sa sugat.
“Ahmm.. Take your seat.”
Yung mga gamit niya na nakalagay sa couch ay itinapon niya sa sahig para makaupo ako. Kaya naman, mas lalo tuloy nadagdagan ang kalat. Tsktsktsk. Ako naman, imbes na umupo, paunti-unti kong inililigpit ang mga kalat niya. Siya naman, binuksan yung TV at nagpaikut-ikot dun na parang may hinahanap.
“Where the hell has that damned remote placed to?”
Narinig kong sabi niya ng mahina lang naman. Kanina ko pa nga hawak-hawak yun dahil sa pag-aayos ko.
"It's here"
Iwinagayway ko pa sa kanya ang remote.
"Oh, my bad. So, what do you want to watch."
Nang subukan niyang kunin sakin yung remote, itinago ko agad iyon sa likod ko. He sighed.
"Fine, you take over with that thing."
Pagkatapos sabihin yun, umupo na siya sa couch at tumingin sa direksyon ng TV. Parang hinihintay nalang niya mamili ako ng station kaya naman halatang nagulat siya ng biglang namatay iyon.
"Hey! Why did you turn it off?"
"Because I am going to clean this house of yours and you will help me whether you like it of not."
"You got to be shitting me?!"
Nanlaki pa talaga ang mga mata niya na para bang yung sinabi ko yata ang pinaka-impossible na mangyayari sa mundo.
"No. I am totally serious about it. And we have to do something with that mouth of yours."
"Huh?"
Mukhang nalito siya sa sinabi ko dahil natigilan siya saglit. Pero maya-maya lang, parang batang matigas ang ulo na umupo ulit siya sa couch.
"Whatever. But I am not helping you. You're crazy if you really think----."
Blah blah blah blah blah. Para talagang bata kung mag-isip.
"Here, put it there while you move this one to your right, no, make it left side. Ang that cover should be placed onto the laundry."
Bigla akong tumigil ng makita siyang nakatingin lang sakin. Inis na hinarap ko siya. Ang dami-dami na ng sinabi ko, binigyan ko na nga siya ng instructions para mas mapadali ang gagawin niya, wala pa ring nangyari.
"What are you waiting for? Why are you still standing there? Haven't you just heard what I just said? Do I have to repeat it all over again?"
Tinitigan muna niya ako ng masama tapos binigyan ng killer simangot niya. Ang sungit talaga ng unggoy na 'to! Ayun nga... Nag-umpisa na siyang gawin ang mga sinabi ko pero parang masama pa rin ang loob niya dahil bumubulung-bulong pa siya eh naririnig ko naman!
"Kung makapag-utos, akala mo kung sino. Parang reyna lang, ah! Mas malalala pa siya kaysa sakin. Ako nga, hindi ko ginaganyan yung mga workers namin, eh. Hindi man lang nahiya sakin samantalang bahay ko 'to tapos ginaganyan niya ako. Ginagawa niya akong katulong sa sarili kong pamamamahay. Hah! What if my colleague heard about this? I'm sure that they're all gonna laugh their asses, ouch! Ahhhhhhhhhh!!! Stop it! Stop it! For God's sake! Hey! Mickeeeyyyyyy!!!"
Piningot ko nga sa tenga! Nakakainis, eh!
"Then stop complaining!"
"Eh nakakainis ka, eh! Pinahihirapan mo ako! Si Mommy nga, di pa ko inutusan maglinis tapos ikaw... achuchuchuchu."
Hindi ko na naintindihan ang iba niyang sinabi dahil nang tingnan ko siya ng pagkasama-sama, bumubulung-bulong nalang siya. This time, for real na.
"You know, we wouldn't be doing this if you hadn't messed up in here."
Parang nananadya pa at nagkukunwari siyang hindi niya naririnig ang sinasabi ko. Patuloy lang siya sa pagbubulung-bulong na puro reklamo lang naman. Bumubulong pa, eh naririnig ko naman! Maya-maya lang, napatigil ako sa ginagawa ko dahil bigla na lamang siyang umupo sabay sabing...
"Gutom na ako."
Naawa naman ako sa kanya. He looked so haggard. One could really tell na hindi talaga siya bagay sa mga houseworks.
"Alright, I'll cook. What d'you wanna eat?"
I asked him as I scanned the refrigerator which has a giant size, swear! I didn't hear any answer coming from him so I asked again.
"What?"
I asked again as I raised up one brow at him. He was looking at me with a weird expression written all over his face.
"Hoy! Anong nangyari sayo diyan?"
I waved a hand in front of his face but he didi't budge. He was still eyeing me thoroughly.
"Marunong kang magluto?"
Tinaasan ko siya ng kilay bago sumagot.
"Of course! Ano naman ang akala mo sakin?"
Lokong lalaki 'to, ininsulto pa ang pagkababae ko. The nerve! Okay. Maybe he has every right to react that way. If you were going to look at my physical appearance, then you wouldn't really thing I was capable of doing such works especially being a housewife. Eh sa tinuruan ako ng mommy ko, eh. Tama na siya kung tama. Fine. But does he really have to say that into my face?
For people who don't have any idea. I am a fashionista by heart. I really like girly stuff and such. Pero hindi naman ako maarte, errr... Okay. For someone like me, I guessed it couldn't be avoided but at least I'm not mean and flirt. I know exactly how to treat people and handle things.
"Oh, ano ba yung gusto mong kainin diyan, ha?"
Naramdaman kong lumapit siya sakin at nakisilip na rin sa refrigerator.
"Hmmmm...."
He crossed his arms like he was thinking about what to eat.
"Well?"
Tiningnan niya ako na para bang mini-measure muna niya kung kaya ko bang gawin kung ano man ang nasa isip niya ngayon.
"Caramel bar?"
Bigla namang nag-process yung utak ko at inisa-isa ang mga ingredients nun tapos nag-start na ako.
"I'll help."
Napaismid ako. Pano, alam ko naman na kaya lang siya tutulong dahil wala talaga siyang tiwala sakin. As if naman na may alam siya. Hah!
"Nooooooooooo! Bakit mo sila pinaghalo?! Dylan naman, eh!"
"Kasasabi mo lang, eh!"
"Hindi naman ang mga ito ang sinasabi ko, eh! Ito!"
Pinakita ko sa kanya kung ano dapat ang pinapa-mix ko. Yung sinasabi niyang 'HELP-HELP' KUNO kanina, disaster pa tuloy ang kinalabasan. Ang dami nang nasayang na ingredients kasi mali-mali naman ang ginagawa niya sa inuutos ko. Kaninang-kanina pa nga kaming parang tangang nagsisigawan dun na magkaharap lang naman kami.
"Turo ka kasi ng turo. Hindi mo nalang ibigay sakin ng maayos."
Aba! Ako pa ang sinisi ng impaktong 'to! Kinuha ko yung mga itlog at inabot ko sa kanya. Binigyan ko na rin siya ng asin.
"Oh, ayan! I-shake mo ang mga yan, ha? Lagyan mo ng konting asin. Paghalu-haluin mo."
Tinalukuran ko ulit siya at ipinagpatuloy yung ginagawa ko kanina. Nagulat nalang ako ng mayay-maya, may tumalsik sakin na kung ano. Napatingin ako sa pinanggalingan nun. And I saw the mighty Dylan operating the blender.
"Dylan! What the hell do you think you're doing?!"
Nakasimangot na in-off niya yung blender tapos tiningnan ako ng pagkasama-sama.
"What?! Sabi mo i-shake ko, diba? Eh di, shinake ko nga!"
"I didn't mean it in a literal way, you dumbass! I was talking about scrambling it!"
"Ah... Lilinawin mo kasi. Shake kasi yung sabi mo kanina hindi scramble, eh."
Kinamot niya yung likod ng ulo niya.
"Ahhmmm, Mickey, pano ba gagawin yung scramble na yun?"
Sa sobrang inis ko, napatili nalang ako ng malakas dun. Napaka-simpleng bagay, di niya alam?! My goodness!
"Utang na loob, Dylan. Ako na ang nagmamakaawa sayo. Doon ka nalang muna sa living room, okay? Mamamatay ako sa sobrang inis sayo."
Tinulak-tulak ko pa siya nun palabas ng kitchen para hindi na siya makaangal pa. Tumawa siya ng malakas, kung hindi ba naman napakasama ng ugali. Amused pa siya sa mga nangyayari samantalang ako, halos mawalan na ng poise dahil sa kabaliwan niya. Impakto talaga!
"Alright. Alright. I'll go there already, okay? But hey, you couldn't blame me. Cooking, so as baking is a gay thing."
Pa-explain-explain pa itong impaktong 'to! Di nalang aminin na kahit genius, may pagka-tangengot din pala.
"Oo na! Oo na! Basta lumabas ka nalang at maghintay ka dun! Huwag na huwag ka nang babalik dito hanggang sa hindi pa ako tapos, okay?"
Sumaludo pa siya sakin.
"Ma'am, yes, Ma'am!"
Pagkatapos sabihin yun, tatawa-tawang umalis na siya. Napatingin tuloy ako sa kutsilyong hawak ko.


bravenet.com