CHAPTER 12: VICTORY AVAILED
"Aray ko! Bakit mo ba ginawa yun?!"
Paangal na sabi ni Dylan sakin at talagang lumayo pa kaagad kasi baka inaakala niyang sisikuhin ko na naman siya sa tiyan.
"Eh, bakit sinakyan mo rin kanina yung dalawang matanda na mag-asawa tayo kahit hindi naman.”
"Siyempre kasi matatanda na sila. Ano ba naman yung pasiyahin naman natin sila kahit papano, di ba? So that when the time comes for them, I still be happy because even though they were dead, I contributed something that made them so happy when they were still alive."
Pasiyahin?! Siya na si Dylan Lui-Hiwatari, walang pakialam sa mundo at sobrang seryoso, gustong magpasaya ng tao?! UNBELIEVABLE!
"Yeah right. As if I believe you."
Pinaikot ko ang mga mata ko at nagpatuloy na sa paglalakad. Napatigil lang ako ng mapansin kong hindi siya sumusunod sakin. Hindi ko naman kasi alam ang pasikot-sikot sa lugar na 'to, noh. Nang lumingon ako, nakita ko siyang nakasandal lang sa may wall. Nang nagkatinginan kami, nginisihan niya ako bago tumawa dun na parang baliw.
“What the hell is the matter with you?” Nasapian na ata si Dylan. Pano ba naman, bigla na lamang bumait kanina sa mga matatanda tapos ngayon tumatawa pa! Eh kahit pilit na ngiti lang nga noon hindi pa niya magawa tapos ngayon... Wow. Life is so unpredictable, eh?
Tumigil siya sandali tapos tinitigan ako. “The question really is, what's the matter with you, Mickey.”
Umiling-iling siya doon na para bang may ginawa akong hindi kapani-paniwala. Ay, nababaliw na talaga ang impaktong ito!
“Why me?! Ikaw nga diyan ang bigla na lamang tumawa, eh! Baliw!”
“Oh C'mon, Mickey.”
He rolled his eyes tapos ngumisi na naman ng nakakairita niya ngisi na yun.
“Ano ba talaga ang gusto mong sabihin, ha?”
Naaasar ko ng sabi sa kanya dahil yung ngiti niya halos umabot na sa dulo ng walang hanggan. Buwisit!
“Impaktong 'to...”
Inis na bulong ko sa sarili ko pero narinig pa rin niya. Nanlaki pa nga ang mga mata niya. But later on, he snickered at that. Ang cute-cute nga niya, eh. Nanggigigil na akong patayin siya!
“How long will you pretend?”
“Huh?”
Yun lang ang nakuha kong sabihin dahil hindi ko pa rin siya ma-gets. I gave him a go-on-and-explain-further-because-I still-don't-understand-what-you're-trying-to-say look.
“Get real, Honey.”
“Ano?! And stop calling me that!”
Nagkibit-balikat lang siya at tumawa na naman dun. Hindi na niya sinagot ang tanong ko. Para ngang balak talaga niyang mamatay ako sa curiosity ko.
“Ano ba talaga ang ibig mong sabihin diyan, ha?! At bakit ba kanina ka pa tawa ng tawa?! Ako ang pinagtatawanan mo?! Pwes, para sabihin ko sayo, impakto ka, hindi ka na nakakatuwa! Ano ba?! Hindi ka ba talaga titigil?! Hoy! Nakikinig ka ba?! Stop laughing for crying out loud!”
Hinihingal na ako sa kakatalak dun pero hindi pa rin siya tumitigil sa katatawa. Worst, para pa ngang nag-e-enjoy siya sa mga sinasabi ko, eh. Amuse na amuse pa
ang impakto! Ngayon lang ako nakakita ng lalaking gustung-gusto na makakita ng nagger na babae.
“Bahala ka na nga diyan sa buhay mo! Magpakamatay ka na! Che!”
Asar na nag-walkout ako sa harap niya at nagpatuloy na naman sa paglalakad. Bahala na kung magkanda-ligaw-ligaw ako dun. Ang importante,. Makalayo ako sa impaktong yun!
“Hey, that's below the belt!”
Sigaw niya sakin. Nilingon ko siya at nakita kong nakasimagot siya kaya naman napangisi ako. The victory is mine! HAHAHAHAHA!
“Besides, I won't ever do that.”
This time, siya naman ang ngumisi. Uh-oh.
“Alam ko kasing iiyak ka, eh.”
Oh yes! The victory is mine----------NOT!
“GRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRR!!!”
Asar na asar na sigaw ko nalang! Mas binilisan ko ang lakad ko. Pikon na pikon na talaga ako sa kanya. Pano ba naman, kahit ano ang sabihin ko, may irarason pa rin siya na nakakaasar. Kung kelan akala ko panalo na ako, bigla na lamang babaliktad ang mangyayari Buwisit talaga! Buwisit! Naririnig ko pa rin ang pag-'hihihihihihihi' niyang tawa dun. Alam kong sinusundan niya ako kaya mas lalo kong binilisan ang lakad ko. Pero wa epek eh. Naramdaman ko lamang na inakbayan niya ako. At kahit anong palag ko, hindi ako makalayo sa kanya.
“You know what I was trying to say earlier?”
“Magtatanong ba ako kung oo?!”
“Hihihi. Chill out, Honey.”
Tiningnan ko siya ng pagkasama-sama.
“Uh-oh! Fine, fine. I rest my case, okay? Jeez, you kinda scared the hell outta----”
Napatigil siya ng makitang mas lalong sumama ang tingin ko sa kanya. Ngumiti siya ng pilit dun.
“Ang gusto ko lang naman sabihin, eh, dapat huwag ka nang magpala-plastic. Wait! Hear me out first, okay?”
“Really Dylan, why don't you go direct to the point and quit insulting me!” Nag-pout siya dun na parang bata.
“Fine. Ang sinasabi ko lang naman, magpakatotoo ka. Kunwari ka pa kanina, eh. Alam ko naman kilig na kilig ka diyan, eh.”
At dahil siguradong-sigurado akong tatakbo siya, hinawakan ko ng sobrang higpit ang isang kamay niya bago pa mangyari yun.
"Alam mo Dylan, kanina pa ako natutuwa sayoooo!"
Pagkatapos sabihin yun, piningot ko siya sa tenga.
"Arayyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy!!!"
So...
I won, after all.


bravenet.com