"Huh? What did you just say?" No, I was not saying that I didn't know what he just told me earlier. Unang-una, hindi naman ako bingi kahit pa nga sobrang hina ng pagkakasabi niya nun. At lalong matino pa naman ang pag-iisip ko kahit pa nga may after shocked pa rin ako sa mga nangyari kanina. Hindi lang talaga ako makapaniwala na si Dylan Lui-Hiwatari, na kasasabi palang kanina na wala siyang ni anumang pakialam sakin ay nag-sorry! Haller?! Unbelievable much!
"Ah... Nothing?" Bumitaw na siya sa pagkakayakap sakin. Sayang nga, eh! Ang bango-bango pa naman niya! Haha! Ibinaling niya sa iba ang tingin niya.
"I know you muttered something. Come on, why don't you repeat it?" Nilapitan ko naman siya at pinilit tingnan ang mga mata niya.
"Really? I don't quite remember." Iniba na naman niya ang tingin niya at yumuko. Pero kahit ginawa niya yun, napansin ko ang pamumula ng mukha niya. Huwaw! Marunong pa la siyang mag-blush?!
"Okay..." Pumunta na ako sa may gilid ng elevator. Hindi na ako nagpumilit pa. Tumahimik nalang ako. At oo, medyo nainis ako sa kanya. Simpleng sorry lang, hindi pa niya magawa! Pero kapag sy Shajana siguro yun, baka lumuluhod na siya ngayon! Asaaaaar! Nang mapansin kong nakatingin siya sakin, tinarayan ko siya. Not my fault, okay? Bigla na lamang tumaas ng kusa ang mga kilay ko, bakit ba?
"Whoa! What did I do?" Itinaas niya ang dalawa niyang kamay na parang sumusuko sa mga pulis. Lumapit din siya sakin.
"Let me correct your question. It should be, what did you NOT do?"This time, tiningnan ko naman siya ng masama. Para naman siyang bata dun na napakalmot sa gilid ng mukha niya.
"Oh, c'mon! Let's just forget it, shall we? After all, that was a slipped of tongue." I shot him a glare and answered nothing. Bahala siya sa buhay niya. Nakakainis siya!"You aren't not mad, are you?" Duh. Obvious ba? Nagtatanong pa, eh. Mas lalo lang tuloy siyang na-bad shot sakin. "Why don't we just leave it behind?" Ngumiti pa siya nun pero mas masasabi kong ngiwi yun.
"Well, I already stopped asking you about it, right? You're the one there who's been bringing up the topic again."
"Eh ikaw kasi, eh! Nagagalit ka agad sakin." Muntik ko na siyang makurot ng bigla na lamang siyang mag-pout dun. Ang cute-cute kasi niyang tingnan! Mas bagay pala sa kanya yung expression na yun kesa ang simangot face niya.Nang subukan niyang hawakan ang kamay ko, kaagad yung inilayo sa kanya. Maloko nga ang impaktong 'to, haha! Ako ang tinakot niya kanina, pwes, siya naman ngayon. You know, it's called KARMA. Hoho.
"Hindi ako galit sayo." Pinilit ko talagang pigilin ang tawa ko ng makita ang reaksyon ng mukha niya. Halata kasing hindi niya inaasahan na yun ang gagawin ko. Siyempre pa, na-confirm lang niya na galit nga 'kuno' ako sa kanya, di ba?
"K-kung hindi ka galit, bakit ayaw mong magpahawak ng kamay?"
"Bakit kailangan mo pang hawakan ang kamay ko? Di naman kita boyfriend, ah." Napakamot siya ng ulo sa tanong ko at mukhang napaisip na rin. Maya-maya lang, parang naasar na siya.
"Ewan!"
"Basta ikaw ang may sabi niyan, ha? Bahala kang makonsensiya sa ginawa mo."
"Mickey naman, eh!" Blah... blah... blah... blah... blah... Ewan ko ba kung dapat kong paniwalaan ang kumakalat na balitang kapag galit daw si Dylan, wala ka raw maririnig na kahit isang salitang lalabas sa bibig niya. Eh bakit ngayon ang daldal niya ata? Haaayyy... Nang makita kong nasa 8th Floor na kami, kaagad na pinindot ko ang 10th button. Nakuha ko naman ang atensyon niya dahil huminto siya sa pagwawala dun at napatitig sakin. "Why did you press that button?"Mas lalong kumunot ang noo niya at tinitigan ako na parang sinasabi ng mga mata niya na hindi niya nagustuhan ang ginawa ko.
"What do you think?"
"No. You're not going anywhere."This time, I know he's totally serious at the same time, pissed off.
"Try me."Mayabang na sabi ko. Hinihintay ko nalang na bumukas ang elevator. Nasa may pintuan na nga ako nakapwesto, eh.
"Hey!"Kunwari di ko siya naririnig. "Fine! I'm s-sorry, okay! Happy now?!"Sa pagkakataong iyon, tumingin na ako sa kanya. Pero seryoso rin ang mukha ko.
"Bakit ka ba naninigaw?! May nagso-sorry bang sumisigaw pa?"Napasimagot naman siya sa sinabi ko. "Well? Say it again."Nakipaglabanan siya ng titigan sakin. Sa huli, sumuko rin siya at napabuntong-hininga.
"You're enjoying this, aren't you?" Tinaasan ko lang siya ng kilay bilang sagot sa tanong niya. "I-I'm s-sorry." Parang hirap na hirap siyang sabihin yun. Mahinahon na yun pero nakasimangot pa rin siya ng konti pero pinabayaan ko na.
"Good. Now, we're really okay." Nakangiti kong sabi kasabay ng pagbukas ng elevator. Meron dalawang matanda sa labas na naghihintay. Mag-asawa nga ata. Na-recognize ko na kasama sila sa mga nag-aantay kanina na pinagbantaan ni Dylan. Hinila ko Dylan papasok sa pinakaloob ng elevator para makapasok ang dalawa. Binantaan ko na rin sa pamamagitan ng mga mata ko. Ngumiti pa nga sila samin, eh. Nang sumara na uli ang pinto, I poked Dylan on his stomach.
"Ouch! What was that for?!" Napangiwi ako. Napalakas pala. Hehe.
"Aren't you forgetting something, Dylan?" Tiningnan niya ako ng masama. Ang dalawang matanda, nakatingin lang din samin dalawa. Nakangiti pa nga na para bang nag-e-enjoy sila sa panonood samin, eh. Weird!
"No?" Determinadong pagkakaila niya.
"Dylan..."Pagbabanta ko sa kanya na ikinainis naman niya.
"Alright! Alright! Geez!"Hinawakan niya ang kamay ko at isinama sa paglapit sa dalawang matanda. Nag-bow pa siya. "Hindi na po mauulit ang nangyari kanina."Parang batang sabi niya. Tumawa ang dalawa. Ako naman, di ko na siya pinilit sabihin ang salitang sorry kasi alam kong di siya komportable dun. Okay na ako sa ginawa niya.
"Ayos lang yun, hijo. It always happens. Love quarrel, wasn't it?" Nagulat naman ako sa sinabi ng matandang lalaki. Kahit nga si Dylan, eh.
"H-hindi po-------"
"Naku, hija. Normal lang yan sa mag-asawa. Kahit kami noon, nag-aaway din, diba, Aimee?" Ngeee! Asawa?! Nanlaki tuloy ang mga mata namin ni Dylan at nagkatinginan pa!
"Oo nga naman, hija. Hindi naman iyon masama. Mas maganda nga iyon at mas mapapatibay ang relasyon ninyong dalawa. Mas makikilala kasi ninyo ang isa't isa dahil sa pag-aayaw. Labasan na kasi ng mga nasa loob iyon." Sang-ayon naman ng matandang babae.
"Aba'y sa tingin ko naman ayos na kayong dalawa. Pero hijo, huwag mong masyadong gagalitin itong napakaganda mong asawa, ha? Baka ipagpalit ka niyan. Malas mo kung saka-sakali! Mukha pa namang mabait." Nag kunwari si Dylan dun na parang nasamid at umubo-ubo pa. Binatukan ko nga!
"Aray ko!"
"Che! At ano naman ang ibig sabihin ng reaksyon mong yan? Ha?" Imbes na sagutin ako, tumawa lang siya ng malakas. Pati ang dalawang matanda, nakisali rin sa kanya.
"Ikaw naman di ka na mabiro, Honey ko!" Pinagdiinan talaga niya ang pagsasabi ng 'Honey'. Nakakaasar! "Opo, Lo. Susundin ko po ang payo niyo. Baka po ako ipagpalit ng Honey ko, eh. Mahirap na!" Biglang tumunog ang elevator. Ang bilis naman! Nasa Pent Floor na pala kami. Ang mag-asawa kasi, pababa naman sila. "Pano po, Lolo, Lola. Una na po kami sa inyo ng asawa ko. Salamat po sa payo." Nung akbayan niya ako, pinalo ko ang kamay niya. "Hoy! Nakakarami ka ng babae ka, ha."Sabi niya habang lumabas na kami ng elevator. Nagtawanan naman ang dalawa.
"Hija, wag ka na rin namang masyadong biyolente sa asawa mo."Wala akong asawa! Ehhhhhhhhhhhh!!! Ang lapad tuloy ng ngisi ng impakto sa tabi ko! Kaasar!
"Ayos lang yun, Lo. Sanay na rin ako. After all..."Inakbayan niya ulit ako.