untitled
viviti


CHAPTER 10: HEAVEN’S MIRACLE

 

Nang sumara na muli ang elevator, galit na galit na hinarap ko ulit siya. Hindi na kasi nakakatuwa ang pinaggagawa niya, eh. Mabuti lang naman sana kung yung mga taong yun ay ka-edad namin, pero matatanda na ang mga yun at may buntis pa! Pano na lamang kung mabinat yun di ba? Eh di dala-dala na konsensya namin yun dalawa kung meron man siya nun. At nakakahiya talaga na kung tutuusin, we are educated and highly-praised by people.

"Ganyan ka ba talaga, ha?!"

Sigaw ko sa kanya na ikinapikon na naman ata niya.

"Ano na naman ba ang problema mo diyan, ha?! Masyado kang papansin, eh! Hindi mo ba kayang manahimik man lang kahit papano?!"

"Ikaw ang papansin sa ating dalawa! Pati ang ibang tao isinasali mo sa away natin! Magkaroon ka kahit konting respeto, Dylan. Walang pinalaking walanghiyang anak ang Mommy at Daddy mo!"

"Huwag mo akong sumbatan dahil hindi naman mangyayari ang lahat ng ito kung wala ka sana dito!"

Hindi makapaniwalang napatingin na naman ako sa kanya.

"Sino ba ang nagdala sakin dito, ha?! Ikaw naman di ba?! You said------"

Pinaikot niya ang mga mata niya na para bag nakakarinig siya ng sirang palakang tumutugtog.

"Are we going to get into that again? Haven't you understood what I told you earlier? I never invited you to come with me. If only you weren't here, things wouldn't be in worse." 

"At ako pa ang may kasalanan ngayon, ganun? Hoy! Ikaw ang may ugaling ewan diyan tapos ako pa ang sisisihin mo?!"

"Kung tumigil-tigil ka sana sa kakaputak mo kanina, hindi sana mag-iinit ng tuluyan ang ulo ko! Sige nga... Sabihin mo sakin, may matutuwa ba sa ginawa mo, ha? Daig mo pa ang isang bungangerang asawa, eh!"

Pasigaw na sagot niya sakin na ayaw ko namang tanggapin kahit magpatayan pa kami dun. Ano siya? Sineswerte?! Eh, halatang-halata namang siya talaga ang may kasalanan sa mga nangyayaring kaguluhan.

"Dahil kung hinatid mo naman ako sana sa bahay namin kanina, eh di wala ka na sanang kinaiinisan ngayon."

Pero parang binging lumabas na siya ng elevator na hindi man lamang naisipang paunahin ako. Hello?! Lady's first po! Duh. Wala na akong nagawa. Parang tanga na sumunod nalang ako sa kanya.

Kung maganda ang ibang floor na nakikita namin kanina sa tuwing bumubukas ang elevator, mas triple ang ganda ng Pent Floor at solo pa niya! Nahilo nga ako sa dami ng dinaanan namin bago makarating sa unit niya, eh!

Nang makuha niya ang susi sa bulsa niya, kaagad ko naman iyon inagaw sa kanya bago pa man niya mailagay iyon sa keyhole. Bastusan pala trip niya, ha? Sige... Tingnan natin kung sino ang talunan.


"Gimme that!"


Inis na sabi niya habang pinipilit agawin sakin ang susi. Mabuti na lamang nai-shoot ko agad iyon sa bag ko.


"Kapag naihatid mo na ako sa bahay saka ko 'to ibibigay sayo. Dahil kung hindi, parehas tayong walang matutulugan!"


Nagulat ako ng biglang tadyakan niya ang pintuan ng unit niya at tiningnan ako ng napakasama.


"Akin na yan sabi, eh!"


"No! You promised me to drop me home--------"


Napatigil ako sa pagsasalita kasi bigla na lamang siyang tumawa ng malakas. Oo. Tumatawa siya pero ang klase ng tingin niya sakin, napaka-sarcastic.


"I never promised you anything. Besides, I only did that to those people I really cared about."


Ouch. Sapul hanggang buto. Alam ko namang walang pakialam sakin sa Dylan pero masakit pala talaga kapag nanggaling iyon sa kanya. Na sinabi mismo iyon ng taong mahal na mahal ko sa harapan ko. At dahil natapakan ang pride ko, ininsulto ko rin siya.


"Alam mo, kaya ka siguro hiniwalayan ng girlfriend mo, dahil sa pag-uugali mo!"


Napatigil siya. At parang slow motion na dahan-dahan siyang lumapit sakin at ako naman ay paatras ng paatras hanggang sa mapasandal ako sa wall.


"What did you say?"


Ang tahimik ng boses niya. Pero alam ko this time, handa na siya pumatol sa babae. At dahil wala siyang pakialam sakin kagaya ng sinabi niya kanina, hindi na siya magdadalawang isip na patulan ako.


"Huwag na huwag mong isasali sa usapan ang girlfriend ko!"


Napapikit nalang ako nang suntukin niya ang wall malapit sa mukha ko. Pagkatapos nun, kinuha niya ang susi sa bag ko at pumasok na sa unit niya. Naramdaman ko nalang na biglang tumulo ang luha ko. Halo-halo na ang dahilan. Dahil sa takot, sa inis sa sarili ko kasi ang tanga-tanga ko, at siyempre dahil nasaktan ako. No. Not physically but emotionally. Alam ko kasi sa sarili ko, wala ni kahit konting nararamdaman sakin si Dylan. Wala siyang pakialam kahit man lang pakunwari lang.


Sa sinabi nga niya kanina, girlfriend niya. Wala nga akong ginawang anuman sa babaeng yun pero parang kaya pa niyang pumatay para lang kay Shajana. Samantalang sakin, ni ibigay man lamang niya sakin ang panyo niya bago siya pumasok sa loob ng bahay niya, hindi niya magawa. Lintek na pag-ibig 'to!


Nanghihinang lumakad na ako para hanapin ang elevator. Umiiyak pa rin ako. Letse! Nang makita iyon, sumakay agad ako at pinindot ang G Floor. Mabuti na lang at mag-isa lang akong nakasakay sa elevator. Kung pano ako uuwi, bahala na si Batman. Nasa 10th floor ako ng bumukas ang elevator. At patuloy pa rin akong umiiyak at nakalimutan kong magdala ng panyo, tumungo nalang ako para hindi siya ma-eskandalo. Kaya ayun, malapit na tuloy akong mapasigaw ng bigla na lamang hawakan nung sumakay ang kamay ko.


"Geez... What the hell was I thinking?! Stop crying now, okay? You're kinda freaking me out."


Napatingin ako kay Dylan. Paano siya nakarating agad dito?! May telepathy nga siguro ang lalaking 'to!


"I used the Private Elevator."


Sabi niya na parang nabasa ang nasa isip ko.


"I shouldn't have done that. God! Let me make it up to you, okay?"


Pagkatapos nun, pinahid niya ang luha ko at niyakap akong bigla. Ewan ko ba. Mas napaiyak pa tuloy akong lalo sa ginawa niya. Tears of joy 'to, excuse me! Pagkakataon ko na 'tong maka-chancing sa kanya.


"Hey. Stop crying now. I won't hurt you, I promise."


Patuloy pa rin niya akong inaalo at niyakap ng mas mahigpit habang ako, umiiyak pa rin. Na-relieve ako at dumating siya kasi hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung hindi niya ako sinundan. Napatingin kaming dalawa sa labas ng elevator ng bumukas yun. Gulat ngang nagkatinginan kami ng mga taong pinaalis niya kanina sa elevator dahil nandun pa din pala sila at naghihintay. Nginitian sila ni Dylan. Wow. World record 'to.


"You guys riding?"


Sabay na sabay na nagsi-iling ang mga taong yun. Nagkatinginan nalang kami ni Dylan. Siguro nagka-phobia na sila sa nangyari kanina.


"Who's to blame?"


Nakangiting tanong ko sa kanya ng umandar na ulit ang elevator. Tumawa siya ng malakas kaya napatawa na rin ako. Then he suddenly stopped and stared at me.





























































"I-- I'm sorry..."



















































































 

 


Web Hosting · Blog · Guestbooks · Message Forums · Mailing Lists
Easiest Website Builder ever! · Build your own toolbar · Free Talking Character · Email Marketing
powered by a free webtools company bravenet.com